Direktor ng pelikulang tungkol sa kabanalan nagpuputok ang butse, hindi nabayaran ng produ

Nireklamo ng premyadong director/production designer/scriptwriter ang isang mayamang producer. Kasalukuyang dinidirek niya ang isang religious movie na hindi siya binigyan ng downpayment.

Nakakawalong buwan na siya sa trabaho, pero kahit na ang standard na weekly payment, wala pa siyang natatanggap. Naging P.A.A. (paabut-abot ang trato sa kanya) at ang binigay lang, pamasahe!

Akala ni direk dahil tungkol sa Kabanalan ang project, magiging maayos ang usapan with his produ.

Ikaw din naman ang may kasalanan, pinabayaan mong gawin, kaya inaabuso ka. Bakit ka naman magtatrabaho na walang pirmahan ng kontrata at no downpayment?

Malaking sakripisyo ang ginagawa mo, kahit sa­bihin pang isa kang madasaling tao. Mahirap ma­ging Santo. Lilipas pa ang mahigit isandaang taon bago maaprubahan sa Vatican!

Isa pang director mas piniling maging jobless kesa hindi mabayaran sa trabaho

Nine o’clock in the morning ang appointment ng isang director sa lady producer. Kaya nauna pa siyang dumating sa office ng produ. Si direk pa ang nagpakain ng lunch sa mga empleyado ng produ. Libre kasi ang lunch nila at ang boss na hindi pa dumarating ang dapat magpapakain.

Nakatulog na si direk sa sopa at ilang movie scripts na ang napanaginipan, wala pa rin ang producer. Finally, dumating ang hinihintay ng halos isang araw, pasado alas-4:00 ng hapon.

Pupungas-pungas pa si direk habang humihingi ng dispensa ang donya, sa sobrang huli niya sa usapan. Biglang talikod si direk at nilayasan ang produ. “Teka, sandali lang,” humahabol na sigaw ng produ. “Paano tayo mag-uusap? Bibigyan na kita ng down!”

Ayaw nang bumalik si direk kahit sabihin pang magkakapera na siya that day. Ang naiisip niya, mahirap kausap ang produ at baka hanggang downpayment lang. Kapag ginagawa na nila ang pelikula, baka puro sakit ng ulo ang maranasan niya.

Ayen Munji unexpected ang pagbubuntis

Maligaya ang mag-asawang Ayen Munji at Franco Laurel sa unexpected pregnancy ng singer/actress. Kailangan niyang umalis sa kanyang bagong teleserye upang maging safe ang kanyang pagbubuntis ng fourth child.

Pinayuhan si Ayen ng doctor na dapat complete rest. Si Franco naman todo alaga sa kanyang misis. Inaasahan ang pagsilang ng bagong baby on Feb. 14, 2014.

TF nina A.p.l de Ap at Arnel Pineda hindi ma-afford ng mga produ

Nahihirapan ang mga local producers na kunin sa live show/concert sina a.p.l.de.ap at Arnel Pineda. Bihira kasi ang makaka-afford ng kanilang talent fee na pang-international star!

Ang minimum asking price nila P500,000 kahit isang kanta lang! Say pa ng isang producer, “kahit sa TV guesting, presyong ayaw lumabas din sila. Take it or leave it.”

 

Show comments