Julie Ann wala talaga sa Top 10 music charts, pero panay ang pralala na quadruple platinum na

This week pa lang natanggal sa No. 1 slot ng both overall at OPM music charts ang DJP album (2nd) ni Daniel Padilla na charted na the third position ng dalawang music ratings.

Ang Chicser CD ngayon ang top-rated sa overall at OPM charts.

Ang mga album nina Erik Santos at Richard Poon kasali sa Top 10. Sa totoo lang, hindi nakalista sa mga leading moneymaker ang album ni Julie Ann San Jose, na ang pralala ay quadruple platinum na!

Rafael mahilig sa organic, kahit paracetamol ayaw uminom!

Kaya palaging fit and trim si Rafael Rosell, mahilig siya sa Capoeira (Brazilian martial arts na may sayaw), meditation, at organic food. Kahit mga gamot na may artificial na substance, maging simpleng paracetamol lang, iniiwasan niya.

Ipinanganak at lumaki sa Norway, siyam na taong gulang pa lang siya ng sinimulang magbasa ng Silva Mind Control upang ma-develop ng husto ang kanyang mind function at human potential.

Teener pa lang si Rafael nang magbakasyon sa Pilipinas at nagsimula sa showbiz. Lumalabas siya sa mga TV show at pelikula at naging in demand na model.

Minsan ay naging overweight na rin siya due to depression after his breakup with his actress girlfriend. Umabot ang kanyang bigat sa 180 lbs.

Nagbalik siya sa 150 lbs. dahil sa organic vegan food in just six months. Hindi niya kinailangang uminom ng reducing pills o alinmang artificial na pagbabawas ng timbang. Rafael always wants to do everything, the natural way.

Apl.de.ap tuluy-tuloy sa pagpapagawa ng classrooms

Tuloy ang magiting na crusade ni apl.de.ap (Allan Pineda Lindo, Jr.) sa pagpapatayo ng mga school building para sa mga batang mahihirap. Kahit paano ay nalulunasan ng kanyang sariling foundation ang shortage sa classroom sa ibang bansa.

Simula nang ilunsad nila with the Ninoy and Cory Foundation ang We Can Everything campaign para sa mga batang mag-aaral ay nakapagpatayo na ng 15 classrooms ang popular member ng Black Eyed Peas.

Gaganahan ang fans ni apl.de.ap na mag-ambag sa foundation ng rapper composer. Malinaw kasi kung saan mapupunta ang ating mga tulong. Marami pang learning facilities na itatayo ang kanilang grupo this 2013 at sa mga susunod pang mga taon.

Anak ni Robin ‘di dapat magpaturong sumuntok kay BB, baka pagkurot ang matutunan

Maraming beki ang napaiyak sa salaysay ni Mommy Eva Cariño kung paano nagkasundo sina BB Gandanghari at kanyang mga kapatid. Ang mga kapatid ay masaya na Robin Padilla now refers to BB as “my sister.”

Maraming nakakita na tinuturuan sumuntok ni BB ang kanyang pamangkin, ang anak na lalaki ni Binoe na si Ali. Pakiusap lang, huwag mo nang ituloy Ms. Gandanghari. Baka sa halip na matuto ng boksing ang bata ay pagkurot ang makasanayan.

Lalong magwawala si Binoe kapag naging baklesh ang kanyang only son!

Yeng ngayon lang makakatikim ng halik

Meron pa palang mga Elvie (LB o late bloomer) sa chicks ng showbiz ngayon. Maniniwala ba kayo na si Yeng Constantino ay never been kissed? Hindi pa nakatikim ng tunay na laplapan si Atcheng Yeng sa kanyang edad!

Masyado siyang nag-concentrate sa kanyang career kaya hindi siya nagkaroon ng panahon sa pag-ibig.

Ngayong aminado na siyang boyfriend ang isang singer sa banda, baka maari nang magpahalik si Yeng. Pakiusap sa kanyang love, hinay-hinay lang. Huwag mong biglain ang paghalik. Baka masarapan ng husto ang singer/composer at magbuntis agad!

PR naging antipatika

Isang PR assistant ng isang network ang mistulang donyang biglang yaman kung mag-aasta. Pati isang mahusay na writer from a broadsheet, tinarayan! 

Alam na kaya ito ng boss nila na antipatika sa media ang isa niyang tauhan? Iniiwasan na tuloy ng mga staff ng isang lead ng daily ang inyong mga presscon dahil sa kamalditahan ng mataray na emplayada.

Well, ilipat na lang siya sa production at baka sakaling mapaganda niya ang inyong mga show na kahit ginagastahan ng milyones ay chaka pa rin!

Show comments