Nanay nila Robin gulat na gulat nang makita si BB, natulala at ‘di makapagsalita sa hitsura ng anak

Sa The Buzz last Sunday ay idinetalye kung paano nga ba nagkabati sina Robin Padilla at BB Gandanghari at siyempre malaking parte rito ay ang ina nilang si Mommy Eva Cariño-Padilla.

Sa kuwento ng Padilla matriarch, isang araw daw ay tumawag sa kanya si BB at sinabing may sakit siya.

 â€œSabi niya, ‘Mama, may sakit po ako.’ Tumawag ulit. Halos hindi ko na marinig ’yung boses niya, ang hina-hina. ‘Nanghihina na po ako.’ Sabi ko, ‘Ano?’ Sabi niya, ‘Mama, nagtsi-chill na ako. Ang taas ng lagnat ko.”

Agad daw na pumunta siya sa condo unit ni BB at laking gulat daw niya sa dinatnang kalagayan ng anak.

“Pagdating namin dun, natulala ako. Hindi na ako makasalita, ang hitsura niya, parang wala na.

“Gusto kong umiyak, hindi ako makaiyak. Gusto kong sumigaw, hindi ako makasigaw. Nabigla ako, hindi ko akalain na ganun ang dadatnan ko,” sabi ni Mommy Eva.

Hinala raw niya ay ilang araw nang may sakit ang anak at tumawag lang noong hinang-hina na.

Isinugod na nila si BB sa hospital at ang findings daw ng doktor ay extreme dehydration na nagdulot ng mga infection. Pero say ni Mommy Eva, feeling niya ay kasama na rin sa dahilan ng pagkakasakit ni BB ay ang hindi pagkakaunawaan nito sa mga kapatid.

Siya naman daw bilang ina, aminado rin siyang masakit din sa kanya ang pagiging ganun ni BB pero anak pa rin niya ito at wala naman siyang magagawa kundi tanggapin ang pagkatao ng bagong Rustom.

Dahil na rin sa kalagayan ni BB, ayon kay Mommy Eva, ginawa niya ang bagay na alam niyang makapagpapabuti sa anak. Nang nasa hospital na sila ay tinawagan niya ang mga anak.

“Sina Robin, Rommel, Royette, Roda, Rema, lahat. Sa madaling salita, dumating sila lahat, kumpleto,” kuwento pa ni Mommy Eva.

Nang dumating nga raw si Robin, ang bati agad nito kay BB ay “O, sister, kumusta ka na?” at napangiti raw ang nakatatandang kapatid. Ibig lang sabihin nga naman nito, natanggap na siya ni Binoe bilang BB.

Pati ang mga kapatid daw na babae ay binati ito ng “O, ateng! Sister!” Kaya naman daw tuwang-tuwa si BB.

Sa ilang araw nga ng anak niya sa ospital ay araw-araw nila itong dinadalaw hanggang sa lumabas na ito noong Huwebes pero under strict bed rest pa.

That same day ay nag-post si BB sa kanyang Twitter account ng family photo nila sa hospital with a caption of “A family love that heals… #feelingbetter”.

Susan pinalakpakan sa dominanteng karakter

Ilang beses pinalakpakan si Susan Roces sa celebrity screening ng Muling Buksan ang Puso nung Linggo na ginanap sa SM Megamall sa Mandaluyong City dahil sa husay na performance na ipinakita niya sa kanyang mga eksena.

For a change, isang dominante at strong-willed woman ang karakter ni Susan sa serye na kinokontrol ang buhay ng kanyang kaisa-isang ampon na si Carissa played by Agot Isidro.

Bongga ang confrontation scene niya with Pilar Pilapil at ang scene niya with Agot when she learned na pregnant ito.

Needless to say, lutang na lutang si Susan sa pilot week and for sure ay proud na proud ang anak na si Sen. Grace Poe-Llamanzares na katabi niyang nanoood that night habang pinapalakpakan ang kanyang ina.

Pero ang talagang pinaka-highlight ng pilot week ay ang pag-iibigan ng mga karakter nina Agot, Cherie Gil, at Jestoni Alarcon.

Sa story ay parehong nagmahal sa isang lalaki sina Agot and Cherie na ginagampanan ni Jestoni.

In fairness to Jestoni, yummy siya sa seryeng ito at talagang papasa pa as leading man. Nakakagulat nga dahil nagsisigawan din ang manonood sa mga kilig moment nila.

Kagabi ay nagsimula nang mapanood sa ere ang Muling Buksan ang Puso and kudos to all the cast and the directors Manny Palo and Nuel Naval for a job well done. Napakaganda ng pilot week at highly recommended namin na panoorin n’yo ito kung ayaw ninyong ma-miss ang stellar acting ng ating veteran stars.

Show comments