MANILA, Philippines - Nakakaapekto nga ba sa iluluwal na sanggol ang nakakahiligan ng mga buntis?
Iyan ang sasagutin ni Atom Araullo ngayong Biyernes (July 5) sa kanyang pagtuklas ng katotohanan sa likod ng paniniwala ng mga Pilipino sa paglilihi sa Pinoy True Stories: Hiwaga.
Isa si Maritess sa naniniwalang totoo ang paglilihi matapos niyang isilang ang kanyang ikatlong supling na si Unico na hindi lang pipi at bingi, kung hindi wala ring mga binti.
“Itinago nila ang baby sa akin. Hindi ako makakilos. Sinabi ng nagpaanak sa akin na huwag akong mabibigla kasi ‘yung anak ko may deperensiya,†pagsariwa ni Maritess nang ipinanganak niya si Unico.
Hindi lubusang akalain ng ginang na magkakaproblema pa siya sa ikatlong beses niya ng pagsilang. Kung babalikan niya ang kanyang pagdadalang tao, dalawang bagay lang ang naiba sa nauna niyang pagbubuntis--- mahilig siyang magbasa ng horror comics at maglaro ng malilit na alimango.
Paglilihi ba ang dahilan ng sinapit ni Unico? O may paliwanag ang siyensya tungkol dito?