Mga kontrabida may sariling samahan na

MANILA, Philippines - Muling nagbabalik sa bakuran ng ABS-CBN ang dalawang magagaling na kontrabidang aktres na sina Agot Isidro at Cherie Gil para sa Muling Buksan ang Puso.

Sa grand presscon ng teleserye ay naitanong sa dalawang aktres kung paano sila nakumbinsing maging Kapamilya muli at ano ang pakiramdam na kabilang sila sa isang napakalaki at napakagandang proyektong ito.

Sey ni Agot,  â€œIt’s always great to be home. How can you turn down a big project like this?  Paano ko matatanggihan ang ganito kagandang teleserye? Nu’ng ino-offer sa akin ito, sumagot agad ako ng oo. Sobrang saya ko na muli akong gumagawa dito sa ABS-CBN.

“This teleserye is really for everyone. Sino ba naman ang hindi nagmahal? Sino ang hindi nasaktan dahil sa pagmamahal? Sino ang gustong muling ibukas ang kanilang mga puso?” pahayag pa ng aktres.

Sagot naman ni Ms. Cherie “I’m happy to be back. ABS –CBN is my first home, there’s no way I can’t say no to this fantastic project.

“Hindi ako glamorized dito, I have no glamour whatsoever, napaka-challenging ng role ko and totally different sa mga nagawa ko. Ang maganda sa character ko, isa akong barrio lass. Isa akong haliparot at malandi nung bata ako,” sabay tawa na sabi ni Cherie.
Kuwento pa ni Agot sa characters nila ni Cherie, “We are best friends in the beginning then magiging frenemies all because of one guy.”  

Dagdag pa niya, “I’m very, very excited because very powerful ‘yung cast. It’s my first time to work with Tita Susan (Roces) and she’s just a joy.”

Wala rin daw silang naging problema kasama ang younger generation na kasama nila ayon pa kay Ms. Cherie.

Naikuwento pa niya na mayroon nga raw silang samahan nina Agot at Mylene Dizon, silang mga kontrabida.

“We even have a group called the Kontrabida Package. Kasama dun si Mylene Dizon...My staff even calls me Mother Bitch and I love it.”  
Pagtatanggol naman ni Agot sa kaibigang si Cherie na palaging napagkakamalang mataray sa totoong buhay, “Ganyan lang si Cherie pero siya talaga ang pusong mamon. She’s misunderstood.” 

                                             

Show comments