Anak ni Valerie napapansin na

MANILA, Philippines - Kapansin-pansin ang husay ng Kapuso young actress na si Joanna Marie Tan na gumaganap bilang anak ni Valerie Concepcion at kontrabida sa seryeng Anna Karenina. Determinado ito sa kanyang role at talaga namang kaiinisan siya sa pagganap bilang Carla, ang maldita at inggiterang bunsong anak ni Ruth (Valerie) na pilit umaapi sa tatlong bida na sina Joyce Ching, Barbie Forteza, at Krystal Reyes. 

Natutuwa rin siya dahil hindi sila pinababayaan ng kanilang direktor na si Ms. Gina Alajar.

Hanggang saan ba ang pagiging maldita niya sa serye at may good side ba siyang ipakikita rito?

“’Yung good side po siguro ‘yung love ko sa family ko, kung paano ang pagmamahal ko sa mama at papa ko.

“Kaya ’yung pinapagawa sa akin ni Ms. Valerie, ng mommy ko, kahit minsan hindi na maganda, ginagawa ko pa rin. Maldita ako at todo ang pang-aapi ko sa tatlo,” pagbabahagi ni Joana.                 

 

Show comments