TV executive na nasa ibang bansa nakaligtas sa galit ng manager na pinaglihiman ng presscon ng sariling alaga

Hindi lamang namin puwedeng pangalanan ang mga taong involved sa isang presscon na sinugod ng manager ng isang artista dahil itinago sa kanya at hindi siya nasabihan tungkol dito. Hinarap ng manager ang mga taong involved sa presscon na siyempre ay nagturu-turuan kung sino ang dapat i-blame. 

Mabuti na lamang ang direct na involved sa presscon ay nasa ibang bansa na at hindi kilala personally ng manager kaya nakaligtas siya sa galit nito.

Direk Ricky alam ang kabaliwan ni Maxene

Masaya ang dinner na naimbita kami na magkasama ang mga artista at press na siyempre maraming tsika. Nalaman namin kay Phillip Salvador na nakailang taping days na siya ng Undercover action serye ng TV5 with Derek Ramsay, Jasmin Curtis Smith, and Arci Muñoz. Thankful siya na after ng Unforgettable sa GMA 7, may work siya agad. Kaya lamang nang malaman niyang nag-first taping day na sa Tagaytay ang mga kaibigang sina Nora Aunor at Tirso Cruz III ng telemovie nilang When I Fall In Love sa TV5, tineks niya agad si Pip na tiyak na excited ito dahil muli silang magtatambal ni Ate Guy. 

Kasama rin sa taping sina Bodie Cruz as the young Tirso at si Krishia Viaje from Star Factor na kamukha naman talaga ni Ate Guy. Nasa cast din sina Nadine Samonte, Aki Blanco, at Marc Abaya, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

From Direk Ricky Davao naman, sinabi niyang muling papasok this Monday si Congresswoman Lani Mercado as Olivia sa Mga Basang Sisiw. Kasama na rin si Gardo Versoza at ang matagal nang hinihintay ng fans niya, si Mike Tan. Tanong namin kay Direk Ricky kung mababago na ang character ni Maxene Magalona as the psychotic na si Vicky dahil bumalik na si Olivia. Biro niya, hindi raw dahil baliw na si Vicky. Pero promise niya, mas magaganda pa ang eksenang mapapanood at nagpapasalamat siya dahil sa mataas na rating ng kanilang afternoon prime na sinusubaybayan after ng Eat Bulaga.

Sa September pa pala magsisimulang mag-work si Congressman-elect Alfred Vargas sa GMA 7 kaya may time pa siyang magpapayat. Inuuna muna niyang tapusin ang work niya bilang konsehal ng Quezon City bago siya magsimulang mag-workout.

Topic din ang tinawag na pink serye ng GMA 7 na My Husband’s Lover dahil sa 10th night nito, nag-trending pa rin sa Twitter. Nagkagulo nga noong Saturday afternoon sa Greenhills mall nang makita roon si Vincent (Tom Rodri­guez). Hinahanap daw kay Tom si Eric (Dennis Trillo) pero sinabi niyang nasa Canada si Dennis at Tuesday pa babalik. Patuloy pala ang pamba-bash sa writer na si Suzette Doctolero dahil sa kanyang primetime serye pero pinayuhan na lamang siyang huwag nang pansinin dahil tiyak na naiinggit lamang sa kanya dahil nagkalakas siya ng loob na gumawa ng ganitong story tungkol sa dalawang gay lovers, kahit may asawa si Vincent. Pu­ring-puri naman ang acting nilang tatlo ni Carla Abellana. Mamayang gabi, tiyak na magti-trending na naman ito dahil magsasabi na ng “I love you” si Vincent kay Eric.

Show comments