Pagkatapos ng engrandeng kasalan, young couple hiwalay agad

Wala na nga raw possibility na magkabalikan ang napapabalitang young couple, na parehong artista, na kasalukuyang hiwalay. As far as both of them know, wala nang dahilan para magkabalikan pa sila. Although, as much as possible, they will try to remain friends if only for the sake of their children.

The guy is currently busy with a soap opera. The wo­man will soon herself be busy din with an upcoming movie.

Sayang din kung sabagay ang pagsasama ng dalawang ito. After all, they seem to have started it right, wika nga. ’Di lang engrande ang kanilang kasal which had all their respective families in attendance, plus, of course, their showbiz and nonshowbiz friends. They seemed perfect for each other.

Both would not comment on what went wrong sa kanilang pagsasama. Basta, observers say, as days passed by lalo na lately ay waring wala na silang mapagkasunduan. Hanggang, wika nga, napuno sa isa’t isa, hayan, they chose to do the easiest way, ang maghiwalay.

How sad, ’di ba, Salve A.?

Sharon nakapag-ipon na ng mga ‘pasanin’

Si Direk Joey Reyes pala ang itinoka ng TV5 na sumulat ng story at script ng bagong show ni Sharon Cuneta na tentatively entitled Kapitana de Barangay. Si Joel Lamangan naman ang director.

Leading man ni Sharon si Jay Manalo. Ang papel na gagampanan ni Sharon is that of a barangay captain. Kaya halos lahat ng problema ng mga taga-barangay na kanyang nasasakupan ay ‘‘pasanin’’ niya.

Sabi ni Perci Intalan, head ng entertainment ng TV5, the series is both a comedy and a drama pero may kaunting action din. This early, natitiyak niyang magugustuhan ito ng viewers. Whether tagahanga o hindi man sila ni Sharon.

Perci raw has seen some of the few episodes na nakunan na at pansamantalang, wika nga, ‘‘nakabaul.’’ Nakaipon na, kumbaga, at ready na para isahimpapawid.

Aliw na aliw daw si Perci.

Sen. Jinggoy pinayuhang magpakalalaki ang anak sa panliligaw kay Julia

O, hayan, ’di na inililihim ni Julian Estrada, apo ng dating Pangulong Joseph Estrada and now Manila mayor, at anak naman ni Sen. Jinggoy Estrada, na sobrang gusto niyang ligawan si Julia Barretto, fellow Star Magic talent niya and who will be launched via the upcoming series Cofradia.

At ’di raw niya ito ginagawa para makatawag ng pansin sa mga involved sa produksiyon ng Cofradia. As of this writing kasi, balitang-balita na on the lookout pa ang mga kinauukulan for the young actor na gaganap na katambal ni Julia sa series.

Isa sa mga unang nakaalam daw na kursunada niya ang teen actress ay ang kanyang amang si Sen. Jinggoy. Ang pangaral daw nito sa kanya, magpakalalaki siya sa panliligaw. He should act like a true gentleman daw.

Kahit maging busy si Julia sa kanyang bagong career, gusto pa rin niyang mag-aral bilang isang regular student. Si Julia kasi is currently on a home study program.

In his fourth year high school si Julian, 17 years old, sa Xavier School in Greenhills, San Juan City.

Si Julia naman ay kilala na bilang daughter nina Marjorie Barretto and comedian Dennis Padilla. They are now estranged.

She started as a child actress and has to her credit Walang Kapalit, Kokey, at Palos. Cofradia is her solo first assignment as a teenager.

Idol niya kapwa ang kanyang mga actress-aunt na sina Gretchen Barretto at Claudine Barretto.

Show comments