Raymart laging nakatambay sa monitor, parang walang problema

MANILA, Philippines - Never nag-attempt si Roxanne Guinoo na tanungin ang ‘asawa’ niyang si Raymart Santiago sa series na Home Sweet Home sa mga issues tungkol kay Claudine Barretto.

“Ayoko hong pakialamanan ‘yung mga personal na ganyan eh. Para same thing with me hindi rin nila ako pakiaalamanan ‘di ba? Hahaha!” tugon ni Roxanne bago sila pumarada sa Pasayahan Festival ng Lucena City kahapon.

Hindi ba nagbigay ng problema sa set si Raymart?

“Wala! Wala!

“Okey naman po si Kuya! Lagi siyang nag-i-input sa gagawin ng show na gusto ng mga anak niya na makita sa show. Mga imagination ng anak niya, “ katuwiran pa ng aktres.

Gaano naman kasarap katrabaho si Raymart?

“Maano siya. Jolly! Machika sa lahat. Minsan nandun lang siya sa grupo ni Direk.

“Hindi siya gaya nang iba na lagi na lang nasa dressing room. Kahit mainit sa set nandoon siya at nakatambay sa monitor! Lagi siyang nag-iisip tungkol sa mga bagong story!” pahayag ni Roxanne.

Hindi siya kinakitaan ng problema kahit may pinagdaraanan?
“Wala! Magaan kami lahat. Maaga kaming natatapos. Magaan talaga lahat ‘yung show, “ diin ng aktres.

Show comments