^

Pang Movies

Angelika triathlon ang napagbalingan mula nang namatay ang kapatid

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Gustung-gusto ni Angelika dela Cruz ang karakter na ginagampanan niya sa Mundo Mo’y Akin ng GMA 7. Nailarawan niya nang mahusay ang pagiging ina ni Marilyn (Louise delos Reyes).

Sa kabilang banda, passion niya ngayon ang triathlon at nanalo pa siya ng 2nd place sa K-Swiss Subic Bay Asian Triathlon Championship noong April 27-29 sa Subic Bay Freeport.

Paano siyang na-in love sa tri-sport na ito?

“Nang mamatay kasi noon ang kapa­tid kong si Edward, dalawang taon na ang nakararaan ay lagi akong nakahiga at sobrang depression ang dumapo sa akin. Kaya sinabihan ako ni Orion na mag-triathlon at nagustuhan ko naman ito kaya ngayon ay ginagawa ko ang sport na ito at naging firm ang aking hita, binti, at mga braso,” sabi ng aktres.

Tungkol sa kanyang teleserye, gusto niyang maging­ ending ay magkatuluyan sina Alden Richards at Louise dahil kahit pangit ay napakaganda naman ng kalooban nito. 

Rochelle sinisita ng BF kapag nakikita ang cleavage

Nalulungkot si Rochelle Pangilinan na mawawala na ang Party Pilipinas at umaasa na sana’y makasama siya sa bagong musical variety show na papalit dito.

Careful pala ang seksing singer-actress sa pagsusuot ng mga damit na gamit sa Party Pilipinas.

“Ayaw niya (Arthur Solinap) na hapit na hapit ang damit ko at kitang-kita ang aking cleavage. May pagkakonserbatibo kasi ’yun,” ani Rochelle.

May regular show si Rochelle sa GMA, ang Home Sweet Home, kasama sina Raymart Santiago, Roxanne Guinoo, Celia Rodriguez, at ang kanyang boyfriend.

Matagal na ang relasyon nila ni Arthur pero wala pa ring balak na lumagay sa tahimik ang dalaga.

ALDEN RICHARDS

ARTHUR SOLINAP

CELIA RODRIGUEZ

HOME SWEET HOME

K-SWISS SUBIC BAY ASIAN TRIATHLON CHAMPIONSHIP

MUNDO MO

PARTY PILIPINAS

RAYMART SANTIAGO

ROCHELLE PANGILINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with