Birthday wish ni Andrea, natupad na!
Granted nang maaga ang birthday wish ng young actress na si Andrea Torres. Sa May 4 pa ang 23rd birthday niya pero sa May 2, pipirma na siya bilang bagong talent ng GMA Artist Center at this month, magsisimula na siyang mag-taping ng bagong afterÂnoon prime drama series sa GMA 7 kung saan muli niyang makakatambal si Mikael Daez na una niyang nakasama Sana ay Ikaw Na Nga at makakasama nila si Christian Bautista. Na-miss na rin niya ang pag-arte, although last week, siya ang tampok sa Magpakailanman na gumanap siyang isang transgender.
Hindi naman siya nawalan ng work dahil once or twice a week ay may regional TV show siya na naÂtawa siya sa biro namin na malaki ang natatanggap nilang talent fee at nakakapunta pa sila sa iba’t ibang lugar ng bansa.
Nakausap at na-welcome na ni Andrea si Marian Rivera na kasama na niya ngayon sa Triple A (All Access to Artists) ng APT Entertainment. Pero hindi siya nagtanong kung bakit umalis ito sa manager. She has good memories kay MaÂrian na una niyang nakasama sa You to Me are Everything at bilang best friend sa drama series nilang My Beloved.
Mother Lily nag-donate ng isang hektaryang lupa kay Sen. Loren
Wala naman palang dapat ipag-aalaala si Sen. Loren Legarda sakaling may guy na magtatangkang ligawan siya. Sa presscon na ibiÂnigay ni Mother Lily Monteverde kay Sen. Loren na itinuring na niyang parang anak kaya labis ang pagsuporta niya, kasama ng No. 1 senator sa survey ang bunsong anak na si Lean. Ang isa pa niyang anak na si Lance ay kasama rin niya dati sa kampanya pero bumalik na sa London, England para sa studies nito sa Oxford University.
Naitanong kay Lean kung papayag ba sila ni Lance na muling mag-asawa ang kanilang ina. Sagot niya ay pareho raw sila ng kanyang Kuya Lance na kung saan magiging masaya ang kanilang ina, doon sila. Susuportahan nila. Pero sagot ng Senadora, pagkatapos ng six terms pa niya sa Senado, ang pag-uukulan na lamang niya ay ang kanyang mga advocacy para sa kanyang mga kababayan. Itutuloy pa rin niya ang pagpo-produce ng mga documentary na makatutulong para lalong maintindihan ng mga tao ang kanyang advocacies.
Nang makausap namin si Mother Lily bago dumating si Sen. Loren, nagustuhan niya ang pagiging masipag ng senadora sa advocacy nito. Isa nga raw sa tulong pa niya ay ang pagdo-donate niya ng one hectare of land na pagtataniman ng mga puno. Alam niya kung gaano kamahal ni Sen. Loren ang mga puno at ang environment.
- Latest