Direk Lino dedma sa akusasyong beki!

Hindi ipinagkakaila ni Direk Lino Caye­tano, kandidatong Congressman sa second district ng Taguig, kung saan siya nagsimula, sa StarStruck sa GMA 7 kahit identified siya ngayon sa ABS-CBN. May communications pa siya sa batch one kaya biniro namin siya na marami na siyang apo. Ang first batch ang pinaka-successful pero sila rin ang may mga anak na. 

Parehong sinusuportahan ni Mother Lily Monteverde ang candidacy ng magkapatid na Cayetano, si Sen. Allan Peter Cayetano at si Direk Lino nga.  Bago nagsimula ang presscon, nag-lead si Sen. Allan ng isang prayer para kay Mother Lily na naka-survived sa kanyang lung cancer at nagpasalamat silang magkapatid sa suporta nito. 

Ayaw maging kampante ni Sen. Allan na siya ang number two sa survey dahil ang magsasalita pa rin ay ang boto ng mga tao sa May 13.  Naitanong din sa kanya kung pangarap ba niyang maging Senate President sa muli niyang pag-upong Senador?  Hindi lihim na nagkaroon sila noon ng pagtatalo ni Senate President Juan Ponce Enrile. Hindi raw niya pinangarap pero kung ibibigay daw sa kanya hindi niya iyon tatanggihan.

Since magiging apat na silang magtutulung-tulong sa Taguig (Sen. Pia, Allan, Lino, at Lani), nagso-sorry na si Sen. Allan kay German Moreno kung gusto rin nilang gawing City of Stars ang Taguig. Sinimulan na ito ni Mayor Lani nang two years na silang host ng Cinemanila International Film Festival. Soon ay itatayo na ang pinakamalaking SM sa FTI, Taguig, at dito ilalagay ang activity center na magagamit sa mga showbiz events at para mabigyan ng pagkakataon ang mga budding artists.

Biniro si Direk Lino kung kailan naman siya mag-aasawa, tuloy bina-bash siya sa twitter na beki raw siya. Hindi raw niya pinapansin iyon dahil secured siya sa sexual preference niya.  Surrounded daw siya ng mga babae sa bahay nila, their mom, si Sen. Pia, at Ate Lani, kaya tumaas daw ang set-up niya sa paghanap ng girlfriend. Isa pa rin sa pinagbabatayan niya ay ang napakagandang love story din ng kanyang kuya Allan at ate Lani na sa loob ng nine years na mag-asawa, hindi sila natutulog na magkahiwalay. Sen. Allan makes it a point na kahit nasaan siya, hindi pwedeng hindi siya uuwi ng bahay nila o kung malayo siya, si Mayor Lani ang susunod sa kanya kung nasaan man siya.

Show comments