Susan, palengkera na
Noong Sampaguita days ni Susan Roces ay may mga pelikula siyang ang role niya ay palengke girl, nagtitinda o kaya namamalengke. Type na type pala ni Susan ’yung namimili siya o kunwari ay tindera lalo na sa wet market na isda at karne ang marami. Noong bata pa siya sa Bacolod City never siyang nakapasok sa palengke at maging sa grocery dahil one of the richest families doon sina Susan at isa siyang kolehiyala. Maging sa supermart o mga big grocery pala sa bayan nila ay gustung-gusto niyang sumama sa kanyang mommy at sa maid nila na mamalengke.
Nang mag-asawa na sila ng yumaong aktor na si Fernando Poe, Jr., siya at mga katulong ang namamalengke o nago-grocery at good for one week na ang pinamimili. Nahinto na lamang ang ginagawa niyang ito ng ilang taon na ang nakararaan kasi ipinaubaya na lang sa mayordoma nila lalo na nung medyo naging busy na siya uli sa pelikula at TV shows sa TV5 at ABS-CBN.
Kaya ang saya uli ni Susan sapul nang mag start ang campaign routine ng kanyang anak na si Grace Poe-Llamanzares dahil sa palengke siya pumupunta. Sa sariling pera, feel na feel din niyang mamili ng iba’t ibang uri ng seafoods, gulay, prutas, sangkalan, salaan, at anik-anik pa. Aanhin kaya ng Reyna ng Pelikulang Tagalog ang sandamakmak na pinamili? Sikreto iyon sana pero nabuking ni Grace.
Ang sabi ni Susan, gusto lang niyang makatulong sa mga naglalako lalo kapag walang nakitang namimili at marami pang paninda. Pangit nga naman na siya ang bigyan o kaya ay siya ang may ipinamimigay dahil kandidato nga ang kanyang unica hija.
Bago naging head ng Movie and TeÂlevision Review and Classification Board (MTRCB) si Grace ay naging trabahador muna siya ng FPJ Productions and Film Archives, Inc. Nung nasa US naman siya, naging teacher, liaison officer, at product manager siya. Kasal si Grace kay Neil Llamanzares at may tatlong anak silang matatalino, isang lalaki at dalawang babae.
- Latest