Umaarangkada ang career ni Rocco Nacino dahil halos wala na itong pahinga sa rami ng trabaho mapa-telebisyon o mapa-pelikula. Katunayan, puro positive reviews ang natatangap ng Kapuso actor bilang isang alkalde sa Bayan Ko ng GMA News TV na nakikipaglaban para masugpo ang political dynasty, corruption, at bureaucracy na napapanahon ngayon.
Paborito ng indie films si Rocco at ginagawa niya ngayon ang Burgos sa direksiyon ni Joel Lamangan. Excited na siyang makasama si Lorna Tolentino bilang si Editha Burgos.
Si Jonas Burgos ang anak nina Editha at Joe Burgos na dinukot ng apat na kalalakihan at isang babae sa isang mall sa Quezon City noong 2007 at hanggang ngayon ay ’di pa nakikita.
Paano paghahandaan ni Rocco ang karakter ni Jonas?
‘‘Binabasa ko pong mabuti ang script at madalas akong nakikipag-usap kay Mrs. Burgos para malaman ang kanyang katauhan at mga kilos,†sagot ng aktor.
“Masuwerte nga ako dahil puro matitinding proyekto ang naibibigay sa akin ngayon.’’
Chynna nangangarap maging direktor
Magaling na artista si Chynna Ortaleza, bida man o kontrabida. Kasama ito sa Kakambal ni Eliana. Natutuwa naman ang aktres dahil may bago siyang trabaho sa GMA Artists Center bilang facilitator ng kanilang ino-organize na workshop. Nang tanungin kung sino sa mga kabataan na na-handle niya ang may potensiyal sa akting ay sinabi niyang sina Enzo Pineda, Kristoffer Marin, at Kim Rodriguez ang may potensiyal sa pag-arte.
Sa kabilang banda, hinangaan ang pag-arte ni Chynna sa Wagas na isa pang inspirational drama ng GMA News TV. Marami ngang nanghihinayang kung bakit hindi siya gawing bida.
‘‘Okay na sa akin basta’t may mga project ako. Siyempre umaasa rin akong maging bida someday. Gusto ko ring magdirek balang araw,’’ dagdag pa ng Kapuso actress.
Who knows puwede rin siyang maging another Gina Alajar in the making someday, ’di ba?