Julia pinipintasan sa pang-Santacruzan na gown, x-deal kasi?!

Ang mga pintasera’t inggeterong mga bading ang nagsabing pang-Santacruzan ang gown na suot ni Julia Montes sa kanyang debut party. Say pa ng mga baklesh, hindi puwedeng mag-demand ng gusto mong style kung x-deal ang damit na sinusuot.

Paano naman ninyong natiyak na exchange deal nga ito? Basta’t maligaya si Julia sa kanyang special day at escort niya si Coco Martin, big success ang okasyon!

GMA 7 wagi sa Siete Palabras

Pinaghandaan nang husto ang Siete Palabras (Seven Last Words) na ipinalabas ng GMA 7 noong Biyernes Santo, mula sa Sto. Domingo Church, Quezon City. Naiiba ang kanilang pagtatanghal na tiyak na nagustuhan ng lahat ng Pinoy sa ating bansa at maging mga cable channel sa abroad.

Inilahad ang huling pitong wika sa istilong Pas­yon na mga female senior citizen pa ang bumabanat ng tonong ‘‘treskaydas”. Akala nga namin nakaupo sa grupo nila si Ate Noi.

Pagkatapos ay ipinapaliwanag ang Seven Last Words in ordinary layman’s language, na madaling maintindihan. Saka pa lang papasok ang pagninilay mula sa Catholic priests na tunay na authority sa buhay at salita ng Panginoong Hesukristo.

Meron pang mga pagtatanghal after each last word, o intermission numbers, na mga kanta at instrumental renditions. Kumpletos rekados ang Siete Palabras mula sa Kapuso Network. Sana ma-replay kahit sa GMA News TV, within the Easter week, upang higit na maraming tao ang makapanood.

Mga taga-showbiz na ginugupo ng bisyo at sakit welcome kay Sto. Niño de Romblon!

Dramatiko ang pagkabalik ng Sto. Niño de Romblon, na 21 taon nawala sa probinsiya. Nakita ang Banal na Imahen sa isang antique dealer na binili itong P1 million. Ibinalik naman agad ng nakabili, na hindi na naningil ng kanyang nagasta.

Sa paglalahad ni Kapuso Mo, Jessica Soho, buhay pa ang mananahi ng mga damit ng Niño, pati ang gumagawa ng kanyang accessories tulad ng setro at korona. Madaling nabihisan agad ang Sto. Niño de Romblon at naiprusisyon ito sa buong probinsiya. Pitong beses pa nagkaroon ng fluvial parade para sa pitong ulit na pagtatangkang itakas ang Imahen at dalhin sa ibang bansa.

Ngayon ay nasa dating tahanan na ang Sto. Niño de Romblon sa St. John Cathedral at dinarayong muli ang milagrosong Sto. Niño de Romblon. Mara­ming mga taong nalulong sa bisyo at malubha ang karamdaman na napagaling ng mahigit na 400 taong Niño.

Malapit lang ang Romblon at madaling mapasyalan ng mga taga-showbiz na ginugupo ng bisyo at may mga halos wala ng lunas na sakit. Subukan natin na roon manalangin sa Sto. Niño de Romblon at malunasan ang lahat ng dinaramdam. Malay natin, baka kaya naibalik ito ay para sa ating lahat.

Streetboys na iba na ang career sa Singapore ginagamit pa rin ang dalawang dekada nang dance steps!

Humahataw ang apat na members ng Streetboys sa Universal Studio, Singapore in Sentosa theme park. Kasama sa kanilang bagong grupong Rockefellers ang isang Singaporean, at mainstay sila roon, as reported by Kapuso Mo, Jessica Soho.

Napanood namin na iyon pa ring trademark routines na ginawa nila sa movie na Sige Ihataw Mo ng Universal Motion Dancers ang dance steps ng Rockefellers. That was about two decades ago na, deh ba?

Gumanap na Pilato, girlalu!

Napanood namin sa In Concert show ng EWTN (Catholic network) ang The Passion of Christ according to St. John. Naka-relate kami nang husto sa likha ni Johann Sebastian Bach dahil ilang ulit na namin nakita ang stage musical at movie na Jesus Christ Superstar.

Obvious na inspired ng St. John’s Passion ang rock opera na na-revive pa sa Broadway noong isang taon. Ang kumanta ng role ni Pilato sa gawa ni Bach, isang male alto o boses babae. Well, ang Pilato sa Jesus Christ Superstar, girlalu rin!

Sana may magkalakas ng loob na itanghal sa musical stage ang The Passion of Christ, according to St. John. Super magastos ito dahil kailangan ang full orchestra, kumpletong choir, at mahuhusay na lead singers na gaganap ng mga lead role. Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay!

 

Show comments