Napaiyak si John Lloyd Cruz sa presscon kahapon ng It Takes a Man and a Woman na pinagbibidahan nila ni Sarah Geronimo under Star CineÂma.
Naging emosyonal si Loydie habang ongoing ang question and answer forum at ikinagulat ng lahat ang biglang paggaralgal ng kanyang boses.
John Lloyd was saying something about being a good person nang mapaiyak siya. Aniya, hindi mahalaga ang success, fame, and money, at ang importante raw ay “be a good person.â€
Kung tutuusin ay hindi naman nakakaiyak ang question kaya nagtaka ang lahat sa pagiging emosÂyonal ng aktor. Ang tanong tuloy ng lahat ay kung may pinagdadaanan ba si Loydie.
Ang isa pang rebelasyon sa presscon ay ang sinabi niyang “He’s taking an early retirement.†Hindi niya masabi kung kelan at kung anong age pero gusto naman niya ay ma-enjoy niya ang kanyang buhay kasama ang magiging future family someday.
Loydie is 29 years old now.
Anyway, showing na ang It takes a Man and a Woman on March 30 mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina. Ito ang kontrobersiyal na pagbabalik-big screen ng isa sa well-loved couples sa bansa na sina Laida Magtalas (Sarah) at Miggy MontenegÂro (John Lloyd) na matapos ang apat na taon na relasyon ay umamin kamakailan na magkahiwalay na.
Mula sa A Very Special Love na humataw ng P176 million sa takilya noong 2008 at sa You Changed My Life na kumita noong 2009 ng P209 million sa box office, isang biggest love reunion ang magaganap ngayong taon sa pagsasama nila sa It Takes a Man and a Woman upang ibahagi sa lahat ang mga naganap sa kanilang samahan sa mga nakalipas na taon.
Dahil nga karugtong ito ng dalawang naunang pelikula, pareho pa rin ang mga karakter nina Sarah at Loydie bilang Laida and Miggy at malalaman sa pelikula kung bakit nga ba humantong sa hiwalayan ang kanilang relasyon.
Handog ng Star Cinema at Viva Films, ang It Takes a Man and a Woman ay sa ilalim ng direksiyon ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.
Ogie at Regine maisasama na ang yaya sa US, visa hawak na
Tuwang-tuwang ibinalita ni Ogie Alcasid na nakakuha raw ng US visa ang yaya ng anak nilang si Nate para makasama nila sa pagbabakasyon sa US ngayong Marso.
At least hindi na sila mahihirapan ng asawang si Regine Velasquez dahil may maghuhugas na raw ng bote ng bata. Hahaha!
Kuwento ni Ogie, tinanong sa yaya kung sino ang employer nito at sinabi naman daw nito ang name niya, plus ipinakita pa raw nito ang passport niya na maraming tatak ng iba’t ibang countries.
Pupunta sina Ogie and Regine sa US para dumalo sa kasal ng pamangkin ng una. Ang nakakatuwa, say ni Mr. Songwriter, siya rin daw ang mag-o-officiate ng kasal kahit hindi siya pastor. Puwede pala ’yun.
After daw ng kasal sa New Jersey ay diretso sila sa New York. Gusto raw niyang sulitin ang bakasyon dahil siyempre pagbalik sa ‘Pinas ay trabaho na naman ulit lalo na’t may bago siyang show sa GMA 7.
When asked kung may time ba silang gumawa ni Regine ng kasunod ni Nate, say niya, may yaya raw silang kasama kaya paano ’yun?
Anyway, kasama si Ogie sa comedy film na Raketeros with Herbert Bautista, Andrew E., Long Mejia, and Dennis Padilla mula sa direksiyon ni Randy Santiago.
Paulo makakalaban ang kuya dahil kay Angeline
Simula ngayong Lunes (Marso 18) ay 5:30 p.m. na ang bagong timeslot ng Kahit Konting Pagtingin na pinagbibidahan nina Angeline Quinto, Paulo Avelino, at Sam Milby sa ABS-CBN.
Sa mas pinaagang oras, patuloy na tutukan ang mas nakaaaliw at nakakaÂkilig na love triangle nina Aurora (Angeline), Lance (Paulo), at Adam (Sam), lalo na ngayong mas tumitindi na ang kompetisyon sa pagitan ng magkapatid.
Handa na ba si Lance na kalabanin ang kanyang kuya, masungkit lamang ang puso ng babaeng pinakamamahal niya? Sa pagdating ni Mabel (Bianca Manalo) sa Pilipinas, paano nga ba babaguhin ng tunay na fiancé ni Erik (Ahron Villena) ang mga buhay nina Lance, Adam, Aurora, at ng mga taong malalapit sa kanila?
’Yan ang dapat abangan sa Kahit Konting Pagtingin, sa bago nitong timeslot sa ABS-CBN.