^

Pang Movies

MTRCB chair mabilis mag-desisyon

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Tatlong buwan pa lang na naitatalaga si Atty. Eugenio ‘‘Toto’’ Villareal sa tungkulin bilang bagong chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) pero nakatututok na ito sa mga nangyari sa  dalawang musical shows. Mabilis ang desisyon at mga sanction sa two TV shows ng pamunuan ni Chair Villareal.

Kaya naman sa iksi nang pamumuno niya, isa sa mga accomplishment niya ay ang fast adjudication o mabilis na pagdedesisyon sa pagpataw ng sanction sa ganitong mga insidente, tinatawag niya itong Best Practice Conference.

Isinusulong ni Chairman Villareal ang partnership ng mga TV station at ng MTRCB. Inaalam nito ang mga rationale sa bawat palabas nito dahil ang kanyang ahensiya ay may mandato na tumulong sa pagpapaunlad o pagpapalago ng TV industry. Nais ni Atty. Villareal na tuwing may aberya o problema, sila sa MTRCB ang siyang magiging tagapamagitan sa TV networks at mga manonood, sa manonood at mga movie producer.

Dahil si Atty. Toto ay dating miyembro ng MTRCB simula noong 2010, alam na alam nito ang ins and outs ng entertainment industry. Siya ay naging counsel din ng celebrities.

Isang napakahalagang advocacy ni Villareal ang empowerment sa pamilya sa pagdedesisyon sa dapat panoorin sa loob ng home environment. Sabi nga nito, ‘‘Kami kasi hanggang advisory lang. Kayo sa pamilya n’yo, mag-usap kayo at huwag magre-rely lang sa advisory. Dapat ay maging mapanuri ang ating mga magulang, mapanuri ng mga Tita at Tito, mapanuri ang mga Ate at Kuya pati mga kasambahay. Ang matalinong panonood ng Pamilya and Child Summits ay dinadala ng MTRCB hanggang sa malayong mga probinsiya.’’

Si Atty. Toto Villareal ay isang debotong Katoliko, nagsisimba araw-araw, at palaging may dalang rosaryo sa bulsa. Isa siyang high school valedictorian sa Colegio de San Juan de Letran at iskolar sa Ateneo de Manila University. Siya ay nagtapos ng Bachelor of Science sa Legal Management noong 1984 gayundin ng law degree with second honors sa Ateneo Law School noong 1988. Tapos din siya ng two-year course sa Moral Philosophy and Ethics sa Philippine Foundation for Cultural and Educational Development noong 2010. Nagtuturo siya ng Social Doctrine of the Church at ng Legal Technique at Philosophy of Law sa Ateneo de Manila.

ATENEO

ATENEO LAW SCHOOL

BACHELOR OF SCIENCE

BEST PRACTICE CONFERENCE

CHAIR VILLAREAL

CHAIRMAN VILLAREAL

CULTURAL AND EDUCATIONAL DEVELOPMENT

LEGAL MANAGEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with