Angel nag-enjoy sa MRT!

Ayon sa aming source, nakaranas palang sumakay sa MRT kamakailan si Angel Locsin sa kabila ng kasikatan para hindi ma-late sa kanyang pictorial na gagawin sa Makati. Puno ng mga tao ang tren kaya nakatayo lang ang magandang aktres kasama ang dalawa pang assistant.

Gov. ER, gagawa ng movie para makatulong

Sa presscon ng La Laguna Festival ay sinabi ni Gov. Jorge Estrada o ER Ejercito na tuloy pa rin ang paggawa nito ng pelikula para maka­tulong sa movie industry. Kahit na disappointed ito dahil dalawang beses na tinalo ni Dingdong Dantes bilang Best Actor sa Metro Manila Film Festival ay tuloy pa rin ang paggawa niya ng pelikula. Katunayan gusto niyang gawin ang true-to-life story ni Boy Golden at isali ito sa MMFF 2013.

Mommy Eva, lalong minahal si BB gandanghari

Touched kami sa tinuran ni Mommy Eva tungkol sa kanyang anak na si Bb Gandanghari. Hanggang ngayon kasi ay hindi si BB matanggap ng buong-buo sa pamilya laluna ng mga kapatid na babae.

Inamin naman nito na noong unang mapanood ito sa Pinoy Big Brother at umamin sa tunay na kasarian ay hindi rin niya  ito matanggap. Pero ngayon bilang isang ina ay pilit niya inuunawa ang pagkatao nito at sinabing walang ina na nakakatiis sa kanyang anak kaya lalo niya itong minahal.

 

Show comments