^

Pang Movies

Magic charm ni Rita masusubukan kina Vin at Sophie!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Masaya si Rita Avila. Hindi pa man gaanong nagtatagal natapos ’yung teleserye niya sa GMA 7 na tampok si Andrea Torres, may bago ba na uli itong kasunod. Sa TV5 naman sasabak ng acting si Rita via Never Say Goodbye, na pinagbibidahan nina Vin Abrenica at Sophie Aquino Albert, ang winners ng Artista Academy. Bilang regalo sa kanilang pananalo, binigyan ng break ang dalawa ng Kapatid Network.

Maganda talaga na timing ang pagkakabigay ng papel kay Rita dahil nagbakasyon sila sa abroad ng kanyang kabiyak na si Erik Reyes, direktor ng Apoy sa Dagat. Pareho kasi silang naging abala noon, kaya’t binigyan nila ng bakasyon ang sarili.

Sana maambunan din ng suwerte ang dalawang bini-build up ng TV5 na sina Vin at Sophie, katulad ng mga nabigyan ng suwerte ng magic charm ni Rita sa GMA 7. Ilang young stars na kasi ang sinamahan noon ni Rita na pawang umaariba ngayon, like sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Nadine Samonte, at iba pa.

Francine Prieto maldita!

Maldita pala si Francine Prieto. Akalain bang sa isang launching ng boutique ay walang takot niyang binigyan ng sampal si Kim Chui? Naimbiyerna pala siya at noong magtagpo sila, hindi na sinayang ang pagkakataon.

Mabuti na lang at naroon sina Janice de Belen at Xian Lim, naawat agad ang dating bold star ng Seiko Films.

Pero teka, eksena lang po ito ng Ina, Kapatid, Anak ng ABS-CBN na malapit nang mamaalam.                                                                        

 

 

 

vuukle comment

ANDREA TORRES

ARTISTA ACADEMY

ERIK REYES

FRANCINE PRIETO

HEART EVANGELISTA

KAPATID NETWORK

KIM CHUI

MARIAN RIVERA

NADINE SAMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with