^

Pang Movies

Greta pakakawalan na ang anak na dalaga!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Proud mommy si Gretchen Barretto habang pinapanood na rumarampa ang kanyang unica hija na si Dominique Cojuangco para sa launch ng American Eagle Outfitters sa Bonifacio High Street sa The Fort, Taguig City.

Hindi mapakali ang magandang aktres habang pumapalakpak at humihiyaw para bigyan ng suporta ang anak na nasa stage nung gabing iyon. Medyo matagal din bago muling rumampa ang anak sa entablado kaya ganoon na lamang ang tension at kaba ng mommy ni Dom.

 â€œI feel like a stage mother. I am excited! Yes! It’s the first time she’s modeling after a long, long time

The last time she did it she was about eight or nine.

 â€œI was at the makeup room, lahat sila masayang-masaya. All the kids out there. So, I am excited for them,” pahayag ni Gretchen tungkol kay Dom.

Ano naman ang payong ibinigay niya sa anak na mukhang unti-unting nasisilayan ang kagandahan sa mundo ng modeling scene?

 â€œNothing. Just have fun. Technically, she’s an adult. She’s now eighteen at puwede na siyang mag-isip para sa sarili niya,” sagot ng aktres.

Ngayong may plano na ang anak na mag-aral sa abroad, handa na ba siyang pakawalan ang dalaga?

 â€œHindi ko pa ine-entertain ’yung thought na I’m letting Dominique go. I think I am just letting her be herself and taking a step back.”

Gaano ba kahirap ang gagawin niyang pagbibigay-laya kay Dominique ngayong nasa hustong gulang na ito? Pupunta ng London, England si Domique para mag-aral ng fashion doon.

“I have yet to find out when she leaves in August. I think she’s ready to face anything.

“She’s equipped with so much love and kakayanin niyang lahat. After all, anak namin siya, matapang kaming pareho ng tatay niya and ganun namin siya pinalaki. So with a lot of love, kaya niya ang lahat,” pagmamalaki pa ni La Greta.

Pagdating sa love life ng anak, handa na ba siyang maligawan at magka-boyfriend si Domique?

 â€œHuwag muna sana. Sana tapusin niya muna ang pag-aaral niya. ’Yun ang gusto ni Dominique. ’Yun din ang gusto namin ng tatay niya (Tony Boy Cojuangco).

“She has a passion for fashion so I tell her go for it! Have fun and enjoy the world,” deretsahang pahayag pa ng aktres.                                       

AMERICAN EAGLE OUTFITTERS

BONIFACIO HIGH STREET

DOMINIQUE COJUANGCO

DOMIQUE

GRETCHEN BARRETTO

LA GRETA

NIYA

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with