^

Pang Movies

Cesar, sakit ng ulo ni Sunshine

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Inamin ni Cesar Montano na hindi pa nga masasabing maayos na ang buhay nila ng kanyang asawang si Sunshine Cruz pero inaayos daw niya iyon at talagang naglalaan siya ngayon ng oras para sa kanilang pag-uusap kahit na may tinatapos pa siyang pelikula. Sinabi niyang mahal niya ang kanyang pamilya at ayaw naman niyang lumala pa ang kanilang sitwasyon.

Nagsimula ’yan nang magselos si Sunshine sa isang starlet na kasama ni Cesar sa pelikulang kanyang ginagawa.

Hindi mo masisi si Sunshine dahil kilala rin naman sa pagiging pab­ling si Cesar pero in fairness naman sa mister niya, sinasabi nga niya na ang pagiging pilyo niya kung minsan ay hindi naman niya mapapayagang makaapekto sa kanyang pamilya, lalo na nga kay Sunshine na talaga namang mahal niya.

Kung minsan din naman hindi mo masisisi ang lalaki kasi sila ang nilalapitan eh. Kung talagang hindi malakas ang control, bibigay nga ’yan. Kaya kung minsan kailangan din naman ang pang-una­wa ni misis. Si Cesar kasi ang mister niya eh. Kung sinong tinghoy lang d’yan, hindi siya magkakaroon ng ganyang problema. Pero dahil ang napili naman niyang pakasalan ay isang artistang sikat, may hitsura, at maporma, asahan na niya ang kung anu-anong mang­yayari.

Siguro ang masasabi rin natin sa mga misis, gawin na ninyo kung ano ang nalalaman ninyo para si mister ay hindi na mag-left turn o mag-U turn.

Destiny Cable nagkakamali ng putol sa subscriber

Noong isang araw, malalaman ang mga balita. Gumuho ang isang minahan sa Semirara at marami ang namatay. Bumulusok naman ang isang meteor na kasing laki ng bus sa Russia at marami rin ang nasaktan. Ang mga ganyang ba­lita, gusto mo siyempre malaman agad ang development. Pero pagdating namin sa bahay, walang TV dahil putol ang aming cable service.

Kinabukasan, tumawag kami sa aming cable provider, ang Destiny, para magreklamo. Wala naman kaming utang sa kanila. Inabot ng 62 minutes o mahigit na isang oras bago sinagot ang aming tawag. At matapos mag-sorry, sinabing iko-coordinate raw sa engineering ang muling pagsasauli ng      aming cable service pero kung kailan ay hindi masabi ng sumagot sa phone.

Nangyari na rin ’yan sa amin noong Disyembre kung kailan palabas ang lahat ng Christmas specials, nagkamali rin ng putol ang Destiny Cable at tatlong araw kaming walang cable service. Kawawa kaming mga subscriber ng Destiny.

BUMULUSOK

CABLE

DESTINY CABLE

KUNG

NAMAN

NIYA

PERO

SI CESAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with