^

Pang Movies

Ogie tinatrabaho na ang baby girl kay Regine

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Humarap sa entertainment press ang mga concert artist na sina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez para sa Valentine concert Foursome sa Feb. 14 sa SM Mall of Asia Arena.

Ayon sa prodyuser na si Ana Puno, sold na ang mga ticket. Kahit first time na magkasama ang apat ay nasabi ng bawat isa na super enjoy at napakasaya nila noong rehearsals. Nakikinig silang lahat sa kanilang director na si Rowell Santiago at pinababayaan naman sila sa kanilang discussion kung paano mapapaganda ang show.

Kumpara sa ibang separated couples, nanatiling mabuting magkaibigan sina Martin at Pops at itinutu­ring pa rin silang pamilya ng bawat isa.

Naitanong naman namin kina Ogie at Regine kung ano ang reaksiyon nila sa hula ni Suzette Arandela na masusundan ang kanilang anak na lalaki ng isang baby girl.

‘‘Sana nga kaya wino-work out namin ni Regine na masundan na ang aming anak. Praise God kapag nagkatotoo ang hula,’’ sabi ni Ogie.

Sa kabilang banda, iniiyakan pala ni Pops kapag dumadalo siya sa lahat ng kasal. Dito niya kasi na-realize na tanggapin ang nangyari sa kanila ni Martin at mag-move on na for the kids.

Gab nag-e-enjoy sa Teen gen

Naitanong namin kay Christopher de Leon kung ano ang payo niya sa anak na si Gab na ngayon ay nag-artista na rin at kasama sa Teen Gen.

‘‘Sabi ko sa kanya na mahalin ang trabaho, pairalin ang tamang attitude lalo na ang propesyonalismo. Maging down to earth at makisamang mabuti,’’ sabi ng beteranong aktor.

Nag-e-enjoy naman ang binata at kasundong mabuti ang mga kasamahang bagets din.

Sa kabilang banda, naaliw kami sa takbo ng istorya kung saan reunion ng mga former barkada nina Peachy at Wacks (Angelu de Leon at Bobby Andrews). Nag-set up ng candle light dinner si Wacks kay Peachy pero naunahan na siya ni Jet. Pero hindi naman ito nasayang dahil ginamit ito ni Lucho para sa kanila ni Lyka.

Andrew E. in demand sa eleksiyon

Sa presscon ng Raketeros, sinabi ni Andrew E. na hindi naman siya umalis sa showbiz at ayaw niyang sabihing comeback movie niya ang comedy film ni Mayor Herbert Bautista. Last film niya ang AB Normal noong 2005 at kasama pa sa Kapitan Awesome ng TV5.

Pero inamin niyang in demand na naman siya nga­yong eleksiyon dahil maraming pulitiko ang kumukuha sa kanya para mag-perform at gumawa ng jingle.

 

ANA PUNO

ANDREW E

BOBBY ANDREWS

KAPITAN AWESOME

MALL OF ASIA ARENA

MARTIN NIEVERA

MAYOR HERBERT BAUTISTA

NAITANONG

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with