Professional singers pasok sa Kanta Pilipinas

Professional singers na nga ang dating ng ilang contestants na nag-perform sa press launch ng Kanta Pilipinas sa Broadway TV studio na magpi-premiere na sa TV5 ngayong Feb. 11.

Ayon sa TV5 ay canned na ang naturang show dahil nagsimula na sila ng contest last year. Noong nakaraang December ay may na-declare na silang winners.

Pero pangako nila na hindi magmumukhang luma ang show at may maganda silang ginawa para maging mas interesting ang show.

Si Marvin Agustin ang line procedurer ng Kanta Pilipinas para sa kanyang Futuretainment Inc., at sobra siyang abala sa pagtutok dito noong nakaraang taon pa.

Ang mga judge naman sa singing contest ay sina Ryan Cayab­yab, Lani Misalucha, at Rico Blanco na siya ring host ng show.

Very promising ang lahat ng 24 contestants na napili sa ilang nationwide auditions sa Luzon, Visayas, at Mindanao. May ilan na galing pa ng Australia, US, at Singapore.

Ang winner ng Kanta Pilipinas ay mag-uuwi ng P1 million at isang recording contract sa isang major record label.

Show comments