^

Pang Movies

’Wag lang puro pa-pogi: Derek marami pang dapat pag-aralan

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Napanood na namin minsan ang gabi-gabing series na Kidlat ng TV5 at napapalakpak kami kasi malakas ang dating sa amin. Ano pa kaya sa mga kabataan lalo sa mga bulilit? Sabagay, mismong ang aking dalawang apo na sina Jenjen at Jepoy, 13 and 12 years old, ang nagbida sa amin na nakapanood na sila ng Kidlat at sila ay naging certified fans na ni Derek Ramsay.

Gandang-ganda ang mga bagets eh ilang episodes pa lang ang nawa-watch nila. At kinikilig ang girl kay Derek. Ang pogi raw at saka bagay daw ang title sa kanya. Oo naman!

At nang mapanood ko na nga ang daily plug nila, natuwa ako for TV5, bawing-bawi na sila sa Kidlat. Sa direksiyon nga pala ito ni Mark Tuviera.

Hindi na alangan na maging tatay ni Derek si Christopher de Leon dahil ang panganay na anak nila ni Sandy Andolong, si Sandini, ay baka ka-age na ni Derek.

Kung okay lang kay Derek, mag-aral pa siya ng maraming self-defense, ng facial acting, at ’wag masyadong mag-pretty face, ’yun bang tipong Fernan­do Poe, Jr. ang dating. Ilang years nang wala si FPJ pero wala pang nakakagaya sa kanya. Baka sakali si Derek na!

Aktor na Atenista feel maging aktibo uli

Sumemplang ang showbiz career ng dating young actor na si Rafael Martinez may ilang taon na ang nakalilipas. Sa pagsasara ng telon ng That’s Entertainment, naisip ng young actor na magpatuloy ng pag-aaral na ikinatuwa ng kanyang parents lalo na ang madir na si Karen Martinez na may showbiz connection din.

Ngayon ay tapos na ng marketing sa Ateneo University si Rafael at muling masisilayan sa showbiz dahil babalik na siya.

Gerald pina-pogi lalo nina Kim at Maja

Sana tantanan na nina Kim Chiu and Maja Salvador kung totoong nagkakairingan sila dahil kay Gerald Anderson. Eh kapag tinanaong si Maja deny to death na nagkakairingan sila. Kesyo nag-uusap naman sila. Deny dito at doon. Ganun din si Kim. Puro pa-safe ang drama nila.

Hindi nila alam ang saya-saya ni Gerald dahil dalawang magagandang babae ang nagkakaroon ng gusot dahil sa kanya.

Kung ako si Maja o si Kim, stay as sweet as you are na lang. Si Kim may Xian Lim na sikat na rin at saksakan ng pogi. Kung totoo ’yung kina Maja at Gerald, hayaan na lang sila para walang gulo!

Bagong gimikan sa QC

Paki ng friendship ko na si Genesis. Baka raw type ng entertainment press or movie press na mag-relax, makinig ng iba’t-ibang klase ng musika, makipagtsikahan, o magsayaw tuwing Wednesday sa kanilang Ladies Night sa bagong bukas na GEB Super sa Morato, Quezon City, May iba-iba pa silang pakulo tuwing Huwebes hanggang Sabado.

So far, ang GEB daw ang pinakamaliit ang entrance fee pero mag-e-enjoy ang mga pupunta.

vuukle comment

ATENEO UNIVERSITY

DEREK

DEREK RAMSAY

GERALD ANDERSON

KAREN MARTINEZ

KIDLAT

KIM CHIU AND MAJA SALVADOR

LADIES NIGHT

MAJA

MARK TUVIERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with