^

Pang Movies

Young actress ginastusan ang Christmas bingo na pang-bida sa pamilya ng bagong dyowa

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inulit muli ng isang kilalang young actress ang kakaibang Christmas party sa pamilya ng bagong boyfriend ngayon na una niyang ginawa sa hiniwalayang boyfriend. Take note na ang young actress ang gumastos sa hindi tradisyonal na Christmas party na dinaluhan ng pamilya ng bagong dyowa.

Sa halip kasi na magkaroon ng parlor games, exchange gifts, at raffle sa party, aba, isang Christmas bingo ang pinatikim ng young actress! Ibang-iba nga naman ’yon na kahit mga kamag-anak ng aktor na nagitla sa estilo ng selebrasyon, nakisaya na rin sila dahil very unique ang inihanda ng young actress.

Dasal nga ng malapit sa young actress ay matagpuan na sana niya sa bagong boyfriend ang tunay na kaligayahan para hindi na maulit ang eksenang sinugod niya sa taping ang young actress na-link sa dating dyowa at gumawa ng eskandalo!

Maamo man ang dating ng mukha ng young actress, lumalabas ang pagiging guerera niya kapag naaagrabiyado!

Jolo ayaw maulit sa kapatid ang napala sa pagmamadali sa love life

Ayaw nang magmadali ni Jolo Revilla pagda­ting sa pag-ibig. Hinay-hinay na ang ginawa niya pagdating sa relasyon nila ni Jodi Sta. Maria dahil ayaw na niyang madapa uli nang maging batang ama siya sa anak na si Gabriel.

Higit nga siyang responsible ngayon dahil seven years old na ang anak nila ni Grace Adriano. First honor student ang kanilang panganay na anak.

“Wala akong masisisi sa bata dahil matalino at may pinagmanahan! ’Yung lolo! Hahaha!” saad ni Jolo nang makausap namin sa presscon ng kinabibilangan niyang filmfest movie, ang Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako.

Eh ngayong pumasok na rin sa showbiz ang nakababatang kapatid na si Gianna Revilla, ano naman ang pinapayo niya sa kapatid?

“Siyempre ako, puting tainga kasi ako eh. Hahaha! Pinaka-istrikto sa lahat sa aming magkakapatid dahil sa ma­n­liligaw nila, ako talaga ’yung… Ako ’yung naka­tutok! Bata pa siya. Sa showbiz muna siya tumutok. Huwag munang mag-love life. Bata pa!” katuwiran ng actor-politician.

Ngayong Pasko, siya ba ang lalaking nagreregalo sa babae tuwing Pasko?

“Basta ako, masasabi kong galante akong mag­regalo. Ayoko nang mag-rewind-rewind!” sabay natawa ang aktor. “Basta, kung anuman ’yon, nangga­ling sa puso ’yon,” tugon ni Jolo.

 

vuukle comment

ACTRESS

BATA

ENTENG KABISOTE

GIANNA REVILLA

GRACE ADRIANO

HAHAHA

JODI STA

JOLO

JOLO REVILLA

NGAYONG PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with