^

Pang Movies

Kaya ‘di na nakapag-demanda: Starlet peke ang naging kasal sa madatung na produ

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Itinago muna sa isang malayong probinsiya ng mayamang producer ang isang sexy starlet nang mabuntis niya ang artista. Tinupad naman niya ang pangako sa aktres na gagawing bida sa isang pelikula, bago nangyari ang pagdadalantao.

Nagpakasal pa sila sa isang huwes bago pumunta sa hometown ng produ. Doon pa natuklasan ng aktres na may una nang misis ang produ at may mga anak na halos kasintanda na niya.

Magdedemanda sana ang starlet pero natuklasan niyang peke ang lahat ng papeles sa kasal. Pati ang nagpanggap na huwes, aktor lang yata ng senakulo! Hindi na pumalag ang naagrabiyado dahil sustentado naman sila ng kanyang anak at binigyan pa ng house and lot.

MMFF, Holiday on Ice ang kakumpetensiya taun-taon

Every year, palaging kinakalaban ang 2012 Metro Manila Festival (MMFF) ng live show na Holiday on Ice sa Araneta Coliseum. Siyempre, marami ring mga bata ang manonood nito kasama ang kanilang parents, kapatid, at pati mga yaya.

Higit na mura nga lang ang pagbili ng tiket sa mga pelikulang lahok sa MMFF kaya siguradong ibayong dami ang pipila sa mga sinehan. Pero ang mga rich and can afford na children and family ay sa mga palabas ng mga skater sa yelo pupunta.

Pagiging pambansang gulay ng malunggay isinulong ni Manay Gina

Hinirang na palang national vegetable ng Pilipinas ang malunggay, ayon sa isang batas sa Kongreso na sinulong ni Rep. Manay Gina Vera-Perez de Venecia, ng Pangasinan.

Isa sa pinaka-masustansiyang gulay ang malunggay at sinasali na ito ng marami para sa isang healthy diet. Merong mga lutong Pinoy na higit na sumasarap kapag may ha­long malunggay. Meron pang mga capsule at tablet ngayon na gawa sa malunggay, as food supplement.

Si Manay Gina ay mula sa angkan ng mga Vera-Perez family at naging host siya sa mga TV show. Ang kanyang pamilya ang may-ari ng Sampaguita, VP Films, na gumawa ng maraming classic films ang nag-build up ng mga sikat na artista.

Bazaar sa World Trade Center puwedeng mag-installment sa bibilhin

Kung marami pa kayong dapat bilhin for the holiday season, pasyalan ang World Trade Center na may 12th World Bazaar Fes­tival ng Worldbex Services International at ABS-CBN everyday hanggang Dec. 23.

Lahat ng kailangan natin, available roon, pati mga high-tech gadget, pagkain, damit, sapatos, at pati mga novelty item.

Puwede pa kayong bumili ng mahal na items na installment ang bayad.

Buking na grabe ang kickback Manager na mas malaki pa ang kinikita, lalayasan na ng alagang singer

Isang sikat na singer ang pumayag na mag-perform sa isang Christmas live show kahit honorarium lang ang matatanggap niya. Balak niyang hindi sumipot sa palabas dahil nalaman niyang buong talent fee pala ang ibabayad o naibayad ng producer sa kanyang manager.

Nakausap niya kasi ang nag-produce ng show at sinabi mismo sa kanya kung gaano kalaki ang siningil na TF. Sosorpresahin niya lang ang kanyang manager na aalis na siya sa kanyang management company. Sa 2013, iiwanan na niya ang madaya at malakas kumatchinang manager!

Reklamo nga ng singer, “Mas malaki pa ang kinikita niya sa akin tuwing meron akong show, samantalang laway lang ang puhunan niya.”

 

ARANETA COLISEUM

ISANG

MANAY GINA

MANAY GINA VERA-PEREZ

METRO MANILA FESTIVAL

NIYA

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with