^

Pang Movies

Monumento ni FPJ, bukas na sa publiko!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kasabay nang paggunita sa ika-walong taon ng kamatayan ni Fernando Poe Jr., pagkatapos ng isang misa na dinaluhan ng mga kaanak, kaibigan at mga fans sa mismong libingan niya, binuksan sa publiko ang isang monumento na gumugunita sa hari ng pelikulang Pilipino. Iyan ang kauna-unahang monumento na parangal sa isang artista. Wala pang ibang artistang tumanggag ng ganyang karangalan.

Ang monumento ay nasa kanto ng Roxas Boue­lvard at Arquiza sa Maynila, malapit sa Plaza Ferguzon. Nakalagay sa paanan ng monument, “ang tunay na pangulo sa puso ng maraming Pilipino.”

Si FPJ ay kumandidato para pangulo ng bansa noong 2004 at sinasabi ng marami na siyang tunay na nanalo sa eleksiyon, pero nadaya siya sa bilangan. Nitong mga huling araw ay marami na ngang luma­labas na matitibay na ebidensiya ng naging pandaraya kay FPJ. Lumabas na nagsabwatan ang mga opisyal ng dating administrasyon, ilang opisyal ng COMELEC at ilang pulitiko sa pagdaraya kay FPJ. Pero wala na ngang magagawa pa roon dahil natapos na ang dapat ay naging term ng kanyang serbisyo.

Sa ngayon hanggang sa mga ganyang parangal na nga lamang ang maaaring asahan. Tinanggap na rin naman ng kanyang pamilya kamakailan ang pagkilala bilang isang national artist ni FPJ na ti­nanggihan nila noong una dahil ayaw nilang tang­ga­pin ang parangal mula sa dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na pinagbibintangan nga nilang nandaya sa kanya.

May plano rin naman sanang ganyan ang Quezon City, na ang balak nila ay ilagay naman sa may Morato Avenue, dahil sinasabi nga nilang iyon ang sentro ng kanilang entertainment district at ang Quezon City nga rin ang tinatawag nilang “city of stars”, pero naunahan na sila ng Maynila.

Kung sabagay, ano nga ba ang masama kung magtayo rin sila ng sarili nilang monumento, kaya nga lang siyempre hindi na ganoon ang impact kasi naunahan na sila.

Mayroon din namang plano ang Quezon City na ipagpatayo rin ng monumento si Mang Dolphy, at ipangalan sa kanya ang isang iskuwelahan. Pero alalahanin ninyo, si Mang Dolphy ay laking Tondo, baka maisipan din ng Maynila na gawin iyan at maunahan pa sila.

Kunu-kunong director’s cut

Kopya ng mga Indie films sa pelikula, mas grabe ang kalaswaan

Maraming legal na DVD ngayon na ang laman ay mga pelikulang indie na ikabibigla mo kung mapapanood mo, kasi mas malaswa ang mga iyon kaysa sa orihinal na nailabas na sa mga sinehan. Dapat nga sana mas mahigpit sila sa DVD dahil kahit na sino ay maaaring makabili niyan at mapanood ng mga bata, pero sa video ay pinapayagan nilang magkaroon ng “directors’ cut”, ibig sabihin walang babawasin sa nilalaman ng kanilang mga pelikula.

May ilan kaming nakita na nakabuyangyang talaga ang private parts ng mga artista sa video.

 

FERNANDO POE JR.

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

MANG DOLPHY

MAYNILA

MORATO AVENUE

PERO

PILIPINO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with