^

Pang Movies

Production staff nawindang nang maiba ang takbo ng istorya ng drama show, biglang naging bida ang kontrabida

SO....CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sobrang windang ang production staff ng isang drama show kung bakit hindi na ang drama actor ang lumalabas na leading man ng drama actress sa kanilang show.

Nagulat na lang sila na tila naiba ang takbo ng istorya­ at ang dapat na gaganap na kontrabida ang siyang nagiging parang leading man na ng drama actress.

Para kasing may mali sa naging desisyon na iyon dahil bini-build up ang drama actor dahil matagal na itong natengga.

Pero mukhang may umepal na naman at parang inilakad ang kontrabidang aktor at na-promote itong leading man.

Ang nakakaloka pa ay mas maraming sequences na kinukunan ang kaka-promote lang na leading man kesa sa bidahing drama actor.

Alam nilang nagdududa na si drama actor kung bakit biglang naiba ang role niya na in favor sa kontrabida actor. Pero tahimik lang ito dahil mahirap na raw ’yung magreklamo siya at baka siya pa ang matanggal sa show kahit na siya ang alam na leading man ng bidang babae sa show.

Kahit ang production staff ay quiet na lang at wala nang kumokontra sa biglang pagbibida ng kontrabida. Ayaw din nilang mawalan ng trabaho lalo na’t magpa-Pasko.

Bagong Angelu at Bobby bini-build up sa Teen Gen

Ang pagpasok sa showbiz ay wala sa plano ng dalawang bagong discoveries ng GMA 7 na sina Sunyee Maluche at Juancho Trivino na parehong kasama sa bagong teen drama series na Teen Gen.

Former ’80s supermodel at runner-up sa isang national beauty contest ang mother ni Sunyee na si Nena Quinones.

Isa ring male model ang kanyang father na isang German. Sa isang fashion show nga nagkakilala ang parents niya. Kaya naman hindi kataka-takang pasukin din ni Sunyee ang mundo ng modeling.

 “Actually po I just started in the music video of Jessica Sanchez and apl.de.ap na Jump In. From there, my manager told me to take this audition with GMA 7 because they were looking for new talents for a new show.

 “Wala pa po talaga akong ibang exposure except for that music video. I am more into sports kasi. I’m a varsity basketball player,” sabi niya.

Sa European International School sa Bicutan nag-aaral si Sunyee at nasa third year high school na siya. Very active nga siya sa sports at walang makapagsabi na papasukin niya ang showbiz.

Inamin ni Sunyee na hindi siya naging kompor­table noong unang sabihin sa kanya na mag-audition siya for a TV show. Mas gusto kasi niya munang subukan ang gumawa ng TV commercial.

“But when my manager called me up and said I got a part in Teen Gen, natuwa ako. Na-excite ako kasi all the hard work that we did sa audition really paid off,” sabi niya.

Partner niya sa Teen Gen si Abel Estanislao. Kung may dream leading man si Sunyee, sino ang gusto niyang maka-partner in the future?

 “Dito po sa Kapuso Network, I kinda like Derrick Monasterio. He’s tall kasi at parang bagay kami sa height. And I heard na he’s a funny guy. And he’s cute din.

 “Sa iba naman, I like Derek Ramsay. Tulad ko po, he’s into sports. I would love to compete with him sa kahit na anong sport. Plus he’s moreno — I love moreno guys!” sabay tawa ni Sunyee.

 Nakagawa naman ng three commercials ang 19-year-old na si Juancho Trivino who is an entrepreneurship student at De La Salle University in Canlubang, Laguna.

Nag-leave of absence muna sa kanyang school ang newcomer para makapag-concentrate sa kanyang showbiz career.

Si Juancho ang gaganap na Lucho, ang anak ni Bobby Andrews who reprises his role as Joaquin Torres III or Wacks from the teen show TGIS (Thank God It’s Sabado) noong 1995.

 Nagulat ang teen star na sa kanya ibinigay ang role na Lucho which means na lead role ito among sa co-stars niya sa Teen Gen.

 “Ang partner ko rito ay si Dianne Hernandez, who plays Lyca. She will be the daughter naman of Peachy played by Miss Angelu de Leon.”

Sa pagpasok nga ni Juancho sa mundo ng showbiz, masasabi nga niyang natupad na rin ang isa sa mga naging pangarap niya noong bata siya.

 “Now that I’m here and I see my name being flashed on television—it’s a dream come true for me,” sabi ni Juancho.

Sa Dec. 16 na magsisimula ang Teen Gen na mula sa direksiyon ni Mark Reyes. Kasama rin sa cast sina Arkin Magalona, Michael Flores, at Bernadette Allyson.

vuukle comment

DRAMA

JUANCHO TRIVINO

NIYA

SHOW

SIYA

SUNYEE

TEEN

TEEN GEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with