Cristine Reyes posted her first red Mustang sports car at nagpasalamat siya sa Viva Entertainment at ABS-CBN. Ang sports car kaya ang ipinalit ni Cristine kay Rayver Cruz na sabi’y break na sila a month ago?
Mrs. Villar magpapa-aral ng mga bata sa Child Haus, pati teachers babayaran din
Sa pamamagitan ni former Congresswoman Cynthia Villar, isang magandang experience para sa mga entertainment press na pinili niyang makasama sa pagdalaw sa Child Haus, ang halfway house na inilaan ni Mother Ricky Reyes para sa mga batang may cancer at ng kanilang mga magulang na nag-aalaga sa kanila habang nagpapagamot sila sa hospitals sa Manila. Kuwento ni Mother Ricky, ibinigay na sa kanya ni Mr. Hans Sy ng SM ang bahay na can accommodate ang less than 100 occupants.
Minsan ay nagkasabay sila ni Mrs. Villar at nasabi niyang nangangailangan pa rin sila ng tulong para sa inmates nila at agad nitong naisip na roon i-celebrate ang kanyang Christmas sa piling ng mga bata. Hindi lamang iyon, dahil pinag-aaral din sa Child Haus ang mga bata, magbibigay siya ng mga teacher na magtuturo at siya ang magpapasuweldo.
Isa rin sa advocacy ni Mrs. Villar ay magbigay ng hanapbuhay lalo na sa mga bumabalik na overseas Filipino workers sa bansa, magbibigay din siya ng livelihood program para sa mga nanay. After the short program na kinantahan si Mrs. Villar ng mga bata, may gift-giving at tumulong ang invited press na silbihan ang mga bata ng breakfast mula sa isang food chain, katulong ang First Lady ng Quezon City na si Ms. Tates Gana, na idolo raw si Mrs. Villar.
Sa mga gustong mag-donate sa Child Haus, puwede kayong bumili ng kanilang Christmas parols from P200 above at sa Dec. 17 makukuha ninyo ito sa Christmas party ng mga bata. Matatagpuan ang Child Haus sa No. 90 Mapang-akit St., Brgy. Pinyahan, Quezon City.
Sen. Bong natuwa sa pakikialam ng GMA
May changes sa programming ng GMA 7 simula ngayong Dec. 1 at natanong si Sen. Bong Revilla, Jr. sa presscon ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako kung hindi siya nag-react dahil inilipat ang kanyang Kap’s Amazing Stories from Sunday to Saturday?
Natuwa pa siya dahil malaki ang tiwala sa kanya ng network na mas mapapalakas niya ang Saturday timeslots dahil sinusubaybayan talaga ang kanyang program. Anyways, sa Wish Ko Lang, after ng Startalk, mapapanood si Cristalle Belo-Henares sa paglaban sa motion sickness niya nang sumakay sa bangka papunta sa Tara Island sa Palawan at tumira siya roon for two days, walang mga amenities, kasama ng isang mahirap na family.
After ng 24Oras Weekend, mapapanood sina Richard Gutierrez at Marian Rivera, with Boobay, sa Extra Challenge with Mikael Daez, JC Tiuseco, Love Añover at LJ Reyes. Susundan ito ng Celebrity Bluff, Kap’s Amazing Stories, Magpakailanman, at Watta Job.