^

Pang Movies

Mario hangasa ganda ng mga pinay

Pang-masa

Tinanong si Mario Maurer ang Thai matinee idol kung ano ang masasabi niya sa mga Pinay sa presscon ng Suddenly It’s Magic.

‘‘Pinay girls are beautiful and sexy,” sagot ng foreign actor.

Kaya nga si Erich Gonzales ang pinili niya sa kalipunan ng mga artistang babae dahil Pinay na Pinay ang beauty nito. Higit sa lahat hanga siya sa kaseksihan ng mga Pinay.

Sa kabilang banda, maganda ang naging resulta ng Suddenly It’s Magic sa takilya dahil tumatalakay ito sa unconditional love. Inilarawan din sa movie ang tungkol sa dalawang magkaibang kultura — ang Thai at Filipino. Ipinamalas din ang tradisyon tungkol sa Philippine fiesta at bayanihan.

Hanga si Mario sa kabaitan ng mga kasamahang artista sa said movie at never siyang nailang dahil sa mabuti silang makisama, ayon pa sa Thai superstar.

Palabas pa rin ang pelikula mula sa Star Cinema.

Phil atat nang mapanood si Angel na nagda-Darna

Wala pa ring balita kung tuloy na ang muling paglipad ni Darna na pagbibidahan ni Angel Locsin. Excited na nga ang boyfriend ng aktres sa balitang ito.

Sabi nga ni Phil Younghusband, “Bagay na maging Darna si Angel dahil sobra ang ganda niya at kaseksihan. I hope I can watch her soon.’’

Solid pa rin ang relasyon ng dalawa at in love pa rin pa rin sa isa’t isa.

Sa kabilang banda, okay na si Phil sa management ng Philippine Azkals. Nagkaayos na at pinagtutuunan na lang ng pansin ang training para sa susunod na laban sa Cebu against Singapore.

Lovi pinagbigyan si Ronald

Nakita sina Lovi Poe at dating boyfriend na si Ronald Singson kamakailan na magkasama kaya tinanong ang aktres kung nagkabalikan na ba sila.

Ayon sa aktres, nakita sila sa Makati City dahil sa grand opening party ng bagong branch ng bar ni Singson.

Naroon siya para suportahan si Ronald bilang isang kaibigan. Kasosyo niya ang mga kaibigan nila na naroon din.

Inamin ni Lovi na sa kasalukuyan ay loveless siya at wala munang time sa pag-ibig dahil pinagkakaabalahan nito ang kanyang trabaho.

Bida si Lovi sa teleseryeng Yesterday’s Bride ng GMA 7 katambal si Rocco Nacino.

 

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

DARNA

ERICH GONZALES

LOVI

LOVI POE

MAKATI CITY

MARIO MAURER

PHIL YOUNGHUSBAND

PINAY

SUDDENLY IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with