^

Bansa

Unprogrammed funds ligal, ayon sa SC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang pagiging konstitusyonal ng unprogrammed appropriations o standby funds ng gobyerno, ngunit nagtakda ito ng mahigpit na limitasyon sa paggamit ng naturang pondo.

Sa desisyong isinulat ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, sinabi ng SC na maaaring gamitin ang unprogrammed funds para sa mga hindi ina­asahang pangangailangan ng gobyerno, basta’t sumusunod sa Konstitusyon.

Ang mga pondong ito ay maaari lamang ilabas kapag may karagdagang kita ang gobyerno o naaprubahang pautang para sa mga proyekto.

Gayunman, idineklara ng SC na labag sa Konstitusyon ang P449.5 bilyong idinagdag ng Kongreso sa unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 national budget.

Dahil sa dagdag na ito, lumobo sa P731.4 bilyon ang pondo mula sa orihinal na P281.9 bilyong panukala ng Pangulo.

Ibinasura rin ng SC ang P17.992 bilyong dagdag sa Special Road Fund sa 2025 budget at dalawang probisyon sa 2026 budget na may kaugnayan sa pagpapalabas ng unprogrammed funds.

Binigyang-diin ng Korte na hindi maaaring dagdagan ng Kongreso ang kabuuang badyet na iminungkahi ng Pangulo nang lampas sa pinapayagan ng Konstitusyon. Dapat ding sumunod sa limitasyong ito ang bicameral conference committee ng Senado at Kamara.

Nilinaw naman ng SC na hindi awtomatikong kailangang ibalik ang mga pondong nagastos na, lalo na kung nagamit ang mga ito sa mga programang naipatupad nang may mabuting hangarin.

Iginiit din ng mataas na hukuman na hindi dapat gamitin ang unprogrammed funds para makalusot sa mga limitasyon sa paggastos ng gobyerno.

Hindi pa pinal ang desisyon ng SC.

SUPREME COUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with