^

Bansa

Cyber libel vs Matibag, GMA isinampa ni Pulong

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Cyber libel vs Matibag, GMA isinampa ni Pulong
Kabilang sa mga respondent sa reklamo sina GMA Network executives Felipe Gozon at Gilberto Duavit Jr., gayundin ang mga TV anchor na sina Mel Tiangco, Vicky Morales, Emil Sumangil, Darlene Cay, at iba pang personalidad ng network.
Pulong Duterte

MANILA, Philippines — Nagsampa ng reklamong libel at cyber libel si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte laban kina National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, Rodulfo Gracioso Jr., at ilang exe­cutive at mamamahayag ng GMA Network sa Office of the City Prosecutor sa Davao City nitong Biyernes, Oktubre 23.

Kabilang sa mga respondent sa reklamo sina GMA Network executives Felipe Gozon at Gilberto Duavit Jr., gayundin ang mga TV anchor na sina Mel Tiangco, Vicky Morales, Emil Sumangil, Darlene Cay, at iba pang personalidad ng network.

Nag-ugat ang reklamo sa alegasyon ni Gracioso na umano’y naghatid siya ng bilyun-bilyong pisong halaga ng pera sa pamilya Duterte, kabilang si Vice President Sara Duterte.

Sa ulat ng GMA News, nagpahayag si Pulong Duterte sa isang pana­yam sa Bisaya na nagsampa siya ng reklamo laban kina Matibag, Gracioso, at ilang personalidad ng 24 Oras dahil sa umano’y mga maling pahayag at pani­nirang-puri. Ayon sa kanya, ginawa niya ito alang-alang sa kanyang mga anak at pamilya. Kasama ni Duterte sa pag­hahain ng reklamo ang kanyang legal counsel na si Atty. Peter Paul Danao.

Nilinaw ni Danao sa media na may kaugnayan ang reklamo sa ipinala­bas na pre-recorded video sa GMA News 24 Oras noong Setyembre 25, kung saan inilahad ni Gracioso ang umano’y pagdadala niya ng maleta na naglalaman ng mala­king halaga ng pera.

Matatandaang si Gracioso ang nag-akusa na siya umano ang nagde-deliver ng mga maletang pera kina Vice President Sara Duterte, Rep. Pulong, at dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa utos umano ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Mariing itinanggi nina VP Sara at Pulong ang naturang mga alegasyon.

PAOLO “PULONG� DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with