^

Bansa

Rosal lalabas na ng PAR ngayong Sabado

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Rosal lalabas na ng PAR ngayong Sabado
Alas-5 ng hapon nitong Oktubre 23, namataan si Rosal sa layong 385 kilometro hilaga-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na 155 kilometro kada oras at pagbugsong umaabot sa 190 kilometro kada oras.
PAGASA

MANILA, Philippines — Palabas na ng Philip­pine Area of Responsibility (PAR) ngayong Sabado ng hapon ang super typhoon Rosal, ayon sa PAGASA.

Alas-5 ng hapon nitong Oktubre 23, namataan si Rosal sa layong 385 kilometro hilaga-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na 155 kilometro kada oras at pagbugsong umaabot sa 190 kilometro kada oras.

Ayon sa PAGASA, pagsapit ng alas-2 ng madaling araw ngayong Oktubre 24, inaasahang nasa layong 415 kilometro hilaga ng Itbayat, Batanes si Rosal. Pagsapit naman ng alas-2 ng hapon, nasa layong 560 kilometro hilaga ng Itbayat at nasa labas na ng PAR.

Bago tuluyang lumabas ng bansa, nakataas kahapon ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa buong Batanes at Signal No. 1 sa hilagang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, hilagang bahagi ng Ilocos Norte, at hilagang bahagi ng Apayao.

Patuloy na kikilos si Rosal pahilagang-kanluran ngayong Sabado habang tinatahak ang direksiyon patungong Japan.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with