^

Police Metro

Kelot tinodas ng tropa; bangkay inilagay sa poso-negro

Mer Layson - Pang-masa
Kelot tinodas ng tropa; bangkay inilagay sa poso-negro
Ang nasawing biktima ay itinago sa alyas Nelson habang arestado naman ang apat sa limang katropa niya na itinuturong gumawa ng krimen, at hindi muna pinangalanan ng mga otoridad.
STAR / File

MANILA, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang lalaki sa kamay ng lima niyang katropa na sumakal at sumaksak sa kanya ng screw driver at ang bangkay ay inilagay sa poso-negro at sinementuhan, naganap sa Pasig City, kamakalawa.

Ang nasawing biktima ay itinago sa alyas Nelson habang arestado naman ang apat sa limang katropa niya na itinuturong gumawa ng krimen, at hindi muna pinangalanan ng mga otoridad.

Sa ulat ng Pasig City Police, may ilang araw na ang nakakaraan ay pinagtulungan umano ng mga suspek na patayin ang biktima sa pamamagitan ng pagsakal at pananak­sak ng screwdriver sa Pasig City.

Nang matiyak na patay na, ibinalot nila ang bangkay ng biktima sa kumot, inihulog sa butas ng isang poso-negro at saka ito sinimentuhan upang itago ang krimen.

Natuklasan lamang ang pagpatay sa biktima matapos na isang impormante ang mag-tip sa mga otoridad.

Kaagad din namang inaresto ng mga pulis ang mga suspek na mahaharap sa kasong pagpatay sa pulisya.

Nabatid na tatlo sa mga suspek ang naaresto sa magkahiwalay na follow-up operation matapos madiskubre ang bangkay. Ang isa naman ay nadakip habang nagtatago sa Masbate.

Ayon sa pulisya, dalawa ang motibong nakikita nila sa krimen, kabilang na rito ang love triangle dahil natuklasan umano ng isa sa mga suspek, na nais ng biktima na makipagbalikan sa kanyang dating kinakasama, na nobya na nito ngayon.

Tinitingnan din umano nila ang kasong ile­gal na droga matapos makumpirmang sangkot ang grupo sa illegal drug activities at hinihinala na ang biktima ay isang police asset.

Ang mga suspek ay kinasuhan ng murder.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with