^

Metro

Re-investigation sa Barayuga murder case, inilarga ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Re-investigation sa Barayuga murder case, inilarga ng PNP
Retired police chief Royina Garma attends the fifth public hearing of the House's quadcom on Sept. 12, 2024.
House of Representatives / Release

MANILA, Philippines —  Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pangunahan ang re-investigation sa kaso ng pagpatay kay retired Police General at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga.

Ito’y kasunod sa ibinunyag ng ilang pulis na sangkot ang ilang matataas na opisyal ng PNP sa pagpatay kay Barayuga noong 2019.

Sa pagdinig ng House Quad Committee, sinabi ni PLt. Col. Santie Mendoza na inutusan siya nina National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Edilberto Leonardo at dating PCSO General Manager Royina Garma upang patayin si Barayuga.

Si Garma aniya ang nagsagawa ng intelligence operation dahil sangkot umano si Barayuga sa illegal drug activities.

Ayon kay Marbil, kailangan na muling masiyasat ang kaso lalo pa’t seryoso ang alegasyon laban sa mga opisyal.

“This revelation demands a thorough reinvestigation of the murder. No one is above the law, and we will seek justice for Ret. Gen. Wesley Barayuga and his family with the full resources of the PNP,” ani Marbil.

Magsasagawa ng re-evaluation ang CIDG sa mga ebidensiya para sa bagong testimonya katuwang ang ilang ahensiya ng pamahalaan para sa impartial at transparent investigation.

Layon din aniya ng re-investigation na matukoy ang mga indibiduwal at opisyal na sangkot sa krimen.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with