^

PSN Palaro

Jurado, UST pinasiklaban CSB

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Jurado, UST pinasiklaban CSB
Bigong ma-block ni Arianna Castillo ng CSB ang kill ni Angel Poyos ng UST sa Unity Cup.
SSL photo

MANILA, Philippines — Sinandalan ng University of Sto. Tomas si veteran hitter Regina Jurado para pagulungin ang College of Saint Benilde, 25-21, 25-12, 25-18, sa 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Tumikada si Jurado ng 12 sa kanyang game-high 13 points sa attacks upang tulungan ang Golden Tigresses na lapain ang Lady Blazers.

“Very thankful and nakaka-gain talaga ng confidence namin na first win namin ito and sunud-sunod ang mga games and liga. Happy na nakuha namin ang first game na ito,” sabi ni Jurado, na lumaro lamang ng dalawang sets.

Sinaluhan ng UST  ang Mapua University sa top spot sa Pool B sa ligang suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R&B Milk Tea.

Bumakas din sina Marga Altea at Erica Guttierez ng tig-pitong puntos habang kumana si Avril Bron ng five markers para sa Tigresses.

Sinubukan ni UST head coach Shaq Delos Santos ang kanyang setter rotation at nagkaroon ng magandang resulta, tumipa sina Aneeza Santos at Arlene Waje tig-walong excellent sets habang anim ang nirehistro ni veteran playmaker Cassie Carballo.

Napalaban ang UST sa first set, mula sa limang puntos na bentahe ay tinapya­san ito ng CSB sa dalawa, 23-21.

Pero hindi nasira ang diskarte ng Tigresses, umiskor si Jurado ng dalawang sunod na kills para tapusin ang laro.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with