^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Kailan irereporma ang PNP?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Kailan irereporma ang PNP?

MAY mabubuti at masasamang miyembro ang Philippine National Police (PNP). Sa ngayon, mas nakalalamang ang mga pulis na “naliligaw ng landas”. Sa kabila na ginagawa ng PNP chief ang lahat nang paraan para maituwid ng landas ang kanyang nasasakupan, hindi pa rin sapat at lalo pang dumarami ang mga lumilinya sa paggawa ng kasamaan.

Maraming pulis ang nasasangkot sa krimen gaya ng pagpatay. Halimbawa rito ay ang pulis na itinuturong “utak” sa pagkawala ng isang beauty queen sa Bata­ngas na hinihinalang patay na. Mahigit isang taon nang nawawala ang beauty queen subalit hindi pa natatagpuan. Inaresto na ang pulis na may ranggong colonel.

Mga pulis din ang suspect sa pagpatay sa isang beauty queen sa Pampanga at boyfriend nitong Israeli. Pagkatapos patayin, inilibing ang dalawa sa isang bakanteng lote. Isinanglang lupa sa mga biktima ang dahilan.

Pulis din ang pumatay sa isang negosyanteng South Korean sa Pampanga sa utos ng kanyang superior. Pinatay ang negosyante sa loob mismo ng Camp Crame at saka ipina-cremate sa isang funeral parlor. Ang abo ay itinapon sa inidoro.

Maraming pulis ang nagre-recycle ng shabu. Kabilang dito ang isang pulis sa PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) na nahulihan ng 1-toneladang shabu noong 2022 sa Tondo, Maynila. Nagkakahalaga ang shabu ng P6.7 bilyon.

Kamakailan lang, isiniwalat ni dating police colonel at PCSO General Manager Royina Garma na isang pulis ang pumatay kay Tanauan Mayor Antonio Halili. Kay Garman na rin nanggaling na nakatatanggap ng “pabuya” ang mga pulis kapag nakapatay ng drug suspect. Ayon kay Garma, ang pabuya ay P20,000 hanggang P1-milyon. Ang malaking pabuya na galing umano kay dating President Duterte ang itinuturong dahilan kaya lumobo ang mga napatay sa drug campaign. Tinatayang 6,000 ang mga drug suspect na napatay.

Maging si Garma at isang kasamahan niyang pulis ay inaakusahan din na utak sa pagpatay sa PCSO board secretary at tatlong Chinese drug suspect sa Davao prison. Ayon sa pulis, si Garma ang nag-provide ng sasakyan, pera at iba pa para mapatay ang PCSO official. Ipinapatay umano ito dahil may nalalaman sa operasyon ng small-town lottery (STL).

Nangako si PNP chief General Rommel Marbil na magkakaroon ng internal cleansing sa pinamumunuang organisasyon. Ipinangako niya ito kay President Marcos Jr. noong Abril 2024 matapos siyang italaga sa puwesto.

Ang pangakong pagreporma sa PNP ay hinihintay ng mamamayan. Kailan ito isasagawa? Kailan magkakaroon ng PNP na mapagkakatiwalaan ng mamamayan at magtatanggol sa panahon ng kagipitan?

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with