^

PSN Opinyon

10K para sa Pinoy ‘Octo’ at ‘Nona’ sa ibang bansa

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Malaking halaga rin ang sampung libong piso kahit sabihing hindi sapat sa mga buwanang pa-ngangailangan ng mga senior citizen na Pinoy sa ibang bansa. Makakabili pa rin ito ng mga pagkain, gamot, dagdag-pambayad sa mga bills tulad ng sa kuryente, tubig, internet at upa sa bahay, pamasahe sa mga lakaran, at iba pa kung dito sa Pilipinas gagastahin. Paiba-iba rin araw-araw ang halaga ng palitan ng mga pera sa mundo kaya lumiliit o lumalaki lagi ang halaga ng mga dayuhang pera tulad ng dollar, pound, riyal, yen, dirham, at iba pang tulad nito kapag itutumbas sa pera ng Pilipinas. Habang isinusulat ito, ang P10,000 ay katumbas ng $170.25 sa dolyar na pera sa Amerika, 232 sa Canadian dollar, 158 sa Euro dollar, 254 sa Australian dollar, at 134 sa British pound.

Pero, para sa mga mas matatandang lolo at lolang Pilipino sa ibang bansa na karaniwang hindi na makapagtrabaho at madalas tambay na lang sa bahay, malaking bagay pa rin sa kanila ang $171.27 na magagamit nila sa kanilang mga panga-ngailangan bagaman mas malaki ang halaga nito kung sa Pilipinas gagamitin at makakatulong kung meron silang gustong padalhan sa Pilipinas.

Gayunman, ang mga lolo at lolang Pilipinong Octogenarian at Nonagenarian sa pangkalahatan ay tatanggap ng P10,000 mula sa pamahalaan ng Pilipinas.  Kung may edad na silang 80 o 90 taong gulang, tatanggap sila ng P10,000 cash incentive. Alinsunod ito sa bagong Republic Act 11982 na naging batas noon pang Pebrero 2024. Inamyendahan at pinalawak ng batas na ito ang sinasaklaw ng Republic Act 10868 o Centenarian Act of 2016 na nagkakaloob ng P100,000 cash bene-fit sa bawat Pinoy na centenarian o iyong may edad nang 100 taong gulang o higit pa na naninirahan sa Pilipinas at sa ibang bansa. Sa bagong batas, kasama na sa mabibiyayaan ng cash incentive ang mga Octogenarian (80 at 85 anyos) at Nonagena-rian (90 at 95 anyos) na Pilipinong naninirahan man dito sa Pilipinas o sa ibang bansa.

Gayunman, hindi saklaw ng batas ang mga overseas na lolo at lolang Pilipino na naging citizen sa ibang bansa bansa, maliban na lang kung dual citizen sila o muli nilang nabawi ang kanilang Philippine citizenship. Walang nakalaang malinaw na datos sa bilang ng mga octogenarian at nonagenarian na overseas Filipino. Maaaring sila iyong mga Pilipino na lumipat, nagtrabaho o nanirahan at inabutan na ng pagtanda sa ibang bansa o mga magulang na ipinetisyon ng kanilang mga anak na naging residente sa kinaroroonan nilang dayuhang lupain.  Ayon sa Commission on Filipino Overseas (CFO), umaabot na sa 59 ang bilang ng mga Filipino na centenarian sa ibang bansa na napagkalooban ng P100,000 cash hanggang noong taong 2019. Nagmula sila sa United States, Canada, Australia, United Kingdom, at Hong Kong. Ang CFO ang kasalukuyang pangunahing ahensiya ng pamahalaang Pilipino na nangangasiwa sa pagpapatupad ng RA 10868 para sa mga centenarian na lolo at lolang Pinoy na naninirahan sa ibang bansa. Ang mga aplikasyon para sa naturang cash incentive ay maaaring isumite sa pamamagitan ng mga embahada o konsulado ng Pilipinas na sumasaklaw sa lugar na pinaninirahan ng mga Pinoy na lola at lolo.  Ang mga application document ay idudulog sa CFO sa Maynila sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs. Para sa dagdag na mga kaalaman, maaa-ring bumisita sa website ng CFO o <cfo.gov.ph/overseas-filipino-centenarian-awards-and-incentives>. Kasama sa mga mabibiyayaan ng cash incentive ang mga mamamayang Pilipino na naninirahan sa Pilipinas at sa ibayong-dagat,  umabot sa edad na 100 taong gulang bago sumapit ang Hulyo 15, 2026 na petsa o panahong nagkabisa na ang RA 10868  at iyong naging centenarian pagkaraan ng petsang ito. Maaari pa ring makatanggap ng ganitong cash incentive ang mga Filipino na centenarian, na namatay makaraang magkabisa ang RA10868.  Ang mga centenarian naman na naging naturalized citizen sa ibang bansa ay dapat munang muling mabawi ang kanilang Filipino citizenship para maging kuwalipikado.

Sa mga nabubuhay pang Filipino centena-rian, kailangan lang ang duly accomplished application form, photocopy ng valid Philippine passport; photocopy ng citizenship Retention and Re-Acquisition Certificate, Identification Certificate, at/o Order of Approval Certificate, and/or Oath of Allegiance Certificate (kung dual citizen); at Philippine peso-denominated bank account details ng Filipino centenarian, o kung wala nito, isang original at dalawang certified true copy of Special Power of Attorney (SPA) authorizing the attorney-in-fact to receive/deposit o para encash ang centena-rian’s gift na check para maipadala sa kanya ang nabanggit na halaga sa ano mang posibleng paraan. Kung patay na ang Filipino centena-rian, duly accomplished application form; photocopy of valid Philippine passport; photocopies of Citizenship Retention and Re-Acquisition Certificate, Identification Certificate, and/or Order of Approval Certificate, and/or Oath of Allegiance Certificate (if dual citizen); Death certificate of centena-rian; photocopy of valid identification card of the nearest surviving relative; Proof of relationship with the deceased centenarian tulad ng  certificate of live birth, certificate of marriage, o anumang dokumento ng pinakamalapit na nabubuhay na kamag-anak na magpapakita sa relasyon nito sa namatay na centenarian.  Ang kinatawan ay kailangang, magsumite rin ng Letter of suauthorization signed by the centenarian, at/o medical certificate para sa bedridden overseas centenarian; at original valid identification card na may larawan ng representative.

* * * * * * * * * *

Email- [email protected]

vuukle comment

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with