^

PSN Palaro

Raga sinargo titulo sa Japan Open

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpakitang gilas si Pinoy cue artist Anthony “Anton” Raga matapos nitong pagpagin ang kababayang si Antonio “Nikoy” Lining, 8-3, sa finals ng 39th Ja­pan Open na ginanap sa New Pier Hall, lungsod ng Minato, Tokyo, Japan ka­makalawa ng gabi.

Tumataginting na 1,400,000 Yen ang naiuwi ng 28-anyos na si Raga sa pagkakapanalo sa 10-Ball habang 700,000 Yen ang kinubra ni 2001 Kuala Lumpur - Southeast Asian Games gold medalist, Li-ning.

“Inaalay ko ang aking tagumpay sa aking pamil-ya, sa aking mga kaibigan, sa aking mga taga-suporta, sa aking bayan, at sa Diyos,” pahayag ni Raga, na nagmula sa Cebu.

Ang kahanga-hangang paglalakbay ni Raga patungo sa titulo ay kinabibilangan ng pagkapanalo kay Masahiro Shimano ng Japan, 8–1, kapwa Pilipino na si Saldy Galliguez, 8–3, at Miguel Salvilla, 8–6.

Magandang pagha­handa ang tournament na sinalihan ni Raga para sa gaganaping 2026 Philippines Open Pool Cham­pionship sa Oktubre 20-24 sa Gateway Mall Araneta Center, Cubao, Lungsod ng Quezon.

Sa panig ng kababaihan, natalo si Denise “Denden” Santos kay Chen Siming ng Tsina sa iskor na 6–7 sa finals na laban ng 9-Ball.

Dahil sa pagkapanalo, tinanggap ni Siming ang pangunahing premyong 500,000 Yen habang si Santos naman ay nakatanggap ng 250,000 Yen bilang ikalawang puwesto.

Samantala, si Dr. Oliver O. Evangelista, punong opisyal ng pangangasiwa sa propesyonal na isports ng GAB, ay lumipad patu­ngong Japan upang suportahan ang mga manlalarong Pilipino.

JA­PAN OPEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with