Gentle Dance nagdomina sa 2026 Lakambini race
MANILA, Philippines — Bumida sa karerahan ang Gentle Dance matapos itong koronahan sa katatapos na 2026 PHILRACOM “Lakambini Stakes Race” na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas kahapon.
Mabilis na umarangkada ang My Oh My para hawakan ang bandera sa kaagahan ng karera pero kinapitan agad ito ng liyamadong Gentle Dance kaya nagkaroon na ng matinding aksyon sa unahan.
Bumilis ang karera dahil sa lutsahan ng My Oh My at Gentle Dance, lamang sila ng tatlong kabayo sa tumeterserong California Queen nasa pang-apat ang Eligant Ludrona habang nasa panglima ang Confidence Surge.
Tinawid ng Gentle Dance ang meta ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang Eligant Ludrona, pangatlo ang Malibu Mo Grey habang pang-apat ang Edge Of Glory. G
- Latest






















