Ngitngit muli
NAGOYA — Mula sa latest FIBA World Cup Qualifiers window, lumaro ang Iran sa 20th Asian Games, intact ang lineup.
Ganoon din ang maraming koponan dito.
Tinalo nila ng Iran ang China, 79-70, at nasungkit ang third place sa likod ng champion South Korea at silver winner Japan.
Kaya naman hindi maiwasan magngitngit muli ng Gilas Pilipinas followers. Dahil sa kalilipas nilang bakbakan sa MOA Arena, pinadapa nila Kai Sotto at teammates ang Iran.
Sumugal ang Pilipinas sa bagong Gilas group sa Aichi-Nagoya Asiad, at hindi nakuha ang inaasam na resulta.
Ang tanong ng marami, bakit?
Kung hindi pwede sina Carl Tamayo, Kevin Quiambao and Dwight Ramos, bakit hindi ang ibang Gilas regulars?
Nakauwi na ang Asiad Gilas group ni coach Tim Cone. Pero muling nanumbalik ang issue dahil sa medal games kung saan tinalo ng South Korea ang Japan, 67-57, para sa ginto.
Muli: 67-57.
At sabi ng ibang Gilas followers, siguro kung super slow break sa paggamit ng oras ang Nationals, pwedeng hindi lumobo ang score, hindi sila natambakan ng 44 points ng China at naisalba pa rin nila ang kailangang quotient.
Ang siste, nakalarga ang China tungo sa 105-61 panalo. At maagang pinauwi ang Gilas.
Ngayon, hihintayin ng Gilas ang susunod na Asian Games — 2030 Doha — for redemption.
- Latest






















