^

PSN Palaro

Altas susuwagin unang panalo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pipilitin ng University of Perpetual Help System DALTA na makabawi sa naunang kabiguan sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament.

Lalabanan ng Altas ang Generals ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang salpukan ng College of St. Benilde Blazers at Lyceum of the Philippines University Pirates sa alas-5 ng hapon sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.

Nakalasap ang Perpetual ng 77-84 pagkatalo sa Colegio de San Juan de Letran sa Group B sa kanilang unang laro sa pagbubukas ng NCAA Season 102 noong Setyembre 13.

Panalo rin ang hangad ng EAC sa kanilang unang salang sa torneo.

Muling sasandigan ng Altas sina JD Pagulayan, Mark Gojo Cruz, Gelo Gelsano, LA Casinillo at JM Tulabut.

“We need to win this match, so we don’t get bogged down on two consecutive losses, I know they can do it as a team effort,” ani coach Olsen Racela sa kanyang tropa.

Itatapat ng Generals ni mentor Jerson Cabiltes sina EJ Castillo, Kyle Ochavo, Jude Bagay, Wilmar Oftana, MJ Raymundo, Kelly Coronel at Jacob Shanoda.

Winalis ng NCAA Season 101 runner-up Letran ang Perpetual sa kanilang best-of-three semifinals series, habang kaagad nasibak ang EAC sa play-in games.

Samantala, ang ikalawang sunod na panalo sa Group A ang pakay ng St. Benilde sa pakikipagkita sa Lyceum.

Umiskor ang Blazers ng 77-68 panalo kontra sa nagdedepensang San Beda Red Lions sa pagsisimula ng torneo, samantalang ito ang unang laro ng Pirates.

Nagkadena si point guard Jhomel Ancheta ng 19 points, 4 rebounds at 3 assists para banderahan ang St. Benilde na naglaro na wala si reigning MVP Allen Liwag (leg injury).

“He’s recovering. Hopefully, he’ll be back soon,” wika ni coach Paolo Layug sa 6-foot-6 na si Liwag na nagkaroon ng leg injury sa offseason at sumailalim sa surgery noong Agosto 20

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with