Cignal muling pinagtibay partnership sa PVL at Spikers’ Turf

MANILA, Philippines — Magpapatuloy ang pakikipagtulungan ng Cignal sa Premier Volleyball League (PVL) at Spikers’ Turf ng tatlong taon pa upang masaksihan ang magagandang labanan at paglago ng volleyball dito sa Pilipinas.
Sa ilalim ng kasunduan, ang PVL at Spikers’ Turf ay mapapanood ng mga tagahanga sa One Sports at One Sports+.
Sa nakalipas na limang taon, ang pagtutulungan ng PVL ay nakapaghatid ng 15 conferences na punung-puno ng mga kapana-panabik na laro, mga pambihirang performance, at mga walang-katapusang tunggalian na talagang binihag ang mga tagahanga ng volleyball sa buong bansa.
Para sa Spikers’ Turf, may isang dekada na binibigyan ng pagkakataon ang mga kalalakihan na maglaro upang maipakita ang kanilang talento sa volleyball.
“Cignal has been a tremendous partner in helping the PVL and the Spikers’ Turf reach more fans and elevate the sport to greater heights. Their commitment to volleyball has been instrumental to our growth, and we are excited to continue working together for the next three years,” sabi ni Sports Vision Management Inc. President, Richard N. Palou.
Para sa Cignal, ang pagtutulong nila ay mas nakikilala ang parehong liga sa lokal na larangan ng sports, at pinagtitibay ang kanilang kakayahan na palawakin ang mararating ng volleyball at palakasin ang pakikipag-ugnayan sa mga manonood.
“Over the years, the PVL has established itself as one of the best leagues in the Philippines. It brings communities together, inspires young athletes, and consistently delivers world-class competition,” ani Cignal Officer-in-Charge and Chief Financial Officer, Christopher C. Lizo.
Nakahanda ang Cignal, PVL, at Spikers’ Turf na lumikha ng higit pang mga ala-ala at maghatid ng volleyball sa mas malawak na manonood sa mga susunod na taon.
- Latest
















