^

PSN Palaro

Alas Women minalas sa tanso

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Minalas ang Alas Pilipinas na makuha ang bronze medal matapos yumukod sa Indonesia, 20-25, 19-25, 22-25, 16-25, sa pagtatapos ng Week 1 ng 6th Southeast Asia (SEA) V Cup Women’s Volleyball kahapon sa Dong Anh Gymnasium sa Hanoi, Viet­nam.

Bumida sina Bella Be­len, Alyssa Solomon, Niña Ytang at Dell Palomata para sa Nationals na walang naipanalong laro sa nasabing four-team, single round-robin competition.

Ang mga Indonesians din ang bumigo sa mga Pinay spikers na masikwat ang tansong medalya sa nakaraang 33rd Southeast Asian Games sa Thailand noong Disyembre.

Nauna nang natalo ang Alas Women sa host Vietnam, 27-29, 17-25, 25-20, 18-25, at sumuko sa defending Leg 1 champion Thailand, 17-25, 25-19, 15-25, 25-18, 10-15.

Mula sa Vietnam ay bi­­biyahe ang Nationals ni Japanese coach Taka Minowa sa Chiang Mai, Thailand para sa SEA V Cup Week 2 na papalo sa Agosto 7 hanggang 9.

Ang SEA V Cup ay ba­hagi ng paghahanda ng Alas Women para sa nalalapit na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Huling nakasali ang mga Pinay hitters sa Asiad noong 2018 sa Jakarta, Indonesia kung saan sila nalaglag sa pang-walong puwesto.

ALAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with