76ers pinili ni James na lipatan

PHILADELPHIA — Matapos sa Cleveland Cavaliers, Miami Heat at Los Angeles Lakers ay lalaro naman si LeBron James sa 76ers sa darating na NBA season.
Target ng 41-anyos na si James ang kanyang pang-limang NBA crown at makakasama niya sa Philadelphia sina Tyrese Maxey, Joel Embiid at Jaylen Brown.
Pumirma si James sa isang two-year, $8 million contract na may isang player option at maglalaro sa kanyang ika-24 season.
Umaasa si James na mababasag niya ang 43-year championship drought ng 76ers kagaya ng ginawa niya sa pagbura sa 52 taong paghahanap ng Cavaliers sa kampeonato noong 2016.
“This is my last decision. I’m not going for money. I’m not going for family. What am I really playing for at this point?” wika ni James. “I still want to sacrifice. I still want to work. I still want to grind. I still want to compete, to win and to have a chance at the feeling of winning another championship.”
Tumapos ang Philadelphia na may 45-37 record sa nakaraang season kung saan sila sinibak ng New York Knicks, 4-0, sa second round ng playoffs.
- Latest

















