^

PSN Palaro

Zubiri itinutulak ang Self-Defense Bill at responsableng gun ownership

Pilipino Star Ngayon
Zubiri itinutulak ang Self-Defense Bill at responsableng gun ownership
Si Senate Majority Floor Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri (gitna) sa pagbubukas ng 32nd AFAD Defense & Sporting Arms Show (DSAS) sa SMX Convention Center sa Pasay City.

MANILA, Philippines — Dalawang panukalang batas ang isinusulong ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ukol sa pagpapalawig ng karapatan sa self-defense habang pinaiigting ang pananagutan ng mga iresponsableng gun owner sa pagbubukas ng 32nd AFAD Defense & Sporting Arms Show (DSAS) sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Ang mga ito ay ang Senate Bill No. 1555 na magpapalakas sa karapatan sa self-defense at ang Senate Bill No. 1897 na naglalaman ng mga rebisyong amyenda sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

“Sa oras ng panganib, ilang segundo lamang ang mayroon ang isang tao para kumilos,” ani Zubiri sa kanyang talumpati sa taunang pagtitipon ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines (AFAD).

Binigyang-diin niyang ang panukala ay hindi nagbibigay ng lisensya para sa karahasan, kundi nagsisilbing proteksyon sa mga taong biktima ng iligal na pag-atake.

Samantala, ang SB 1897 — na dating na-veto ngunit ngayon ay nirebisa — ay nagmumungkahi ng pagpapalawak ng mga exemption sa pagkuha ng threat assessment certificate, pagtaas ng pinapayagang dami ng bala na maaaring ariin (250 bala para sa regular na lisensyadong may-ari at 2,500 bala para sa sports shooters), pagpapaikli ng election gun ban sa 45 araw bago at limang araw matapos ang halalan, pagpapasimple sa paglilipat ng pagmamay-ari ng baril kapag namatay o nagkaroon ng kapansanan ang may-ari, at pagbibigay ng isang taong amnestiya para sa pagpaparehistro o pagre-renew ng lisensya.

Layunin din ng panukala na bawasan ang red tape sa lokal na industriya ng depensa sa ilalim ng Self-Reliant Defense Posture Program.

Kaugnay ng mga kamakailang insidente ng pamamaril, nilinaw ni Zubiri ang pagkakaiba ng mga responsableng gun owner at ng mga iresponsableng may-ari ng baril.

“Hindi kasalanan ng mga responsableng gun owner ang nangyaring ito,” aniya, at itinuro ang kapabayaan ng ilang may-ari na hindi maayos na naitago o na-secure ang kanilang mga baril, na paglabag sa Section 9 ng Republic Act No. 10591.

Nangako rin siyang isusulong ang mas mabigat na pananagutang kriminal at mas mahigpit na parusa laban sa mga mapapatunayag nagpabaya.

Ang Defense & Sporting Arms Show (DSAS) na pinangungunahan ng AFAD sa pamumuno ni Alaric “Aric” Topacio ang itinuturing na pinakamatagal at pangunahing eksibisyon ng mga baril at kaugnay na kagamitan sa bansa.

Isinasagawa ang trade show mula Hulyo 22 hanggang Hulyo 25 sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex sa Pasay City.

AFAD

DEFENSE & SPORTING ARMS SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with