^

Punto Mo

Himala: Kapatid gumaling sa sakit! (Part 14)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

TINITIGAN ko ang larawan ng Birhen ng Fatima. Siya nga ang babaing nagtanong sa akin. Hindi ako maaring magkamali!

“Magkano ang perang ibinigay sa’yo Ate?” tanong ni Victor makaraang matulala sa mga ikinuwento ko.

“Hindi ko alam. Hindi ko binilang. Pero marami pang natira. Puwede ko pang bayaran ang nautang kong pera sa restaurant.”

“Kung hindi ka binigyan ng babae ng pera, kanino ka sana mangungutang ng pambili ng gamot ko?”

“Sa restaurant uli. ‘Yun lang naman ang maaari kong utangan.”

“Sa palagay mo, pauutangin ka uli nila?”

“Hindi nga ako sigurado kaya kanina habang patungo ako sa restaurant, dasal ako nang dasal. At saka ko nakasalubong ang mabait na babae na nagtanong kung nasaan ang Marian St. Itinuro ko. At makaraan kong ituro, iniabot sa akin ang sobre. Hindi nga ako makapagsalita sa nangyari. Hindi ko nga naitanong ang name ng mabait na babae.”

“Malaki ang paniwala ko Ate, pinaghimalaan ka ng Birhen. Naawa sa atin ang Birhen ng Fatima.”

Salamat po Mahal na Birhen, naibulong ko.

Hinagkan ko nang buong pagmamahal ang Kanyang larawan. (Itutuloy)

SICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with