BNC posibleng maging bagong NCAA coveror

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng bagong tahanan ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) para sa kanilang Season 102.
Lamang na rito ang Bilyonaryo News Channel (BNC) na inaasahang magiging coveror ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.
Unang nagbigay ng presentation ang BNC sa NCAA Management Committee (ManCom) noong Hunyo 9 sa isang turnover ceremony na ginanap sa Philippine Columbian Association (PCA).
Sinabi ng NCAA ManCom na magkakaroon din ng presentation ang Cignal ni business at sports tycoon Manny V. Pangilinan.
Ang Cignal ang kasalukuyang may hawak ng coverage rights ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Ngunit noong Hunyo 20 lamang nagsumite ang Cignal ng kanilang letter of intent sa NCAA.
Bukod sa BNC at Cignal ay nasa eksena rin ang ABC-CBN at Solar Sports.
Humanga ang NCAA ManCom sa panukala ng BNC, lalo na ang pangako nitong free-to-air TV coverage, extensive social media promotion at matinding pagtutok sa liga bilang nag-iisa nitong sports property.
- Latest






















