^

PSN Palaro

Clarkson unang Fil-Am na NBA champion

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Clarkson unang Fil-Am na NBA champion
Jordan Clarkson.
STAR/F ile

MANILA, Philippines —  Gumawa ng kasaysa­yan si Jordan Clarkson bilang kauna-unahang Filipino-American na nagkampeon sa NBA.

Bahagi si Clarkson ng New York Knicks na nakasungkit ng korona sa NBA.

Tinalo ng Knicks ang San Antonio Spurs sa Game 5 sa pamamagitan ng 94-90 desisyon sa best-of-seven championship series.

Tinapos ng Knicks ang Finals series hawak ang 4-1 panalo.

Natuldukan ng Knicks ang mahigit limang deka­dang pagkauhaw nito sa korona.

Huling nagkampeon ang New York noong 1973 pa.

Ito naman ang unang NBA title ni Clarkson sa liga sa kanyang 12 seasons na paglalaro.

Abot-kamay na sana ni Clarkson ang korona no­ong nasa Cleveland Ca­valiers pa ito noong 2018.

Subalit yumuko ang Cavaliers sa Golden State Warriors.

Makailang ulit nang nag­laro si Clarkson kasama ang Gilas Pilipinas sa mga international tournaments.

Naglaro si Clarkson sa Gilas Pilipinas na sumabak sa  2023 FIBA World Cup na ginanap sa Pilipinas.

Kasama rin si Clarkson sa Gilas Pilipinas na uma­rangkada sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia noong 2018.

Subalit hindi nakasungkit ng medalya ang Gilas Pilipinas sa naturang edis­yon ng Asian Games.

Isa pang Fil-Am player na si Dylan Harper ang naglaro sa NBA Finals.

Kasama si Harper ng Spurs na nagkasya sa runner-up trophy. 

JORDAN CLARKSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with