Knicks didikit sa NBA crown

NEW YORK — Hindi garantisado na ang pagkakaroon ng 2-0 lead ay pagkopo sa NBA championship.
Kaya para kay Knicks star guard Jalen Brunson, kailangan pa nilang talunin ang San Antonio Spurs ng dalawang beses sa NBA Finals para makuha ang unang korona sapul noong 1973.
“I think playing better with the lead that we had, the 14-point lead,” sabi ni Brunson. “The way they fought back and took the lead is just a credit to how good they are.”
Ang tinutukoy ni Brunson ay ang pagtakas ng New York sa San Antonio sa Game Two, 105-104, para ilista ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series.
Sila ang ikatlong koponang nanalo ng dalawang sunod sa road games sa NBA Finals matapos ang Chicago Bulls noong 1993 at ang Houston Rockets noong 1995.
Parehong nagtuloy ang Bulls at Rockets sa pag-angkin sa kampeonato.
Pipilitin ng Knicks na makopya ito sa pagharap sa Spurs sa Game Three ngayon sa Madison Square Garden.
Sinabi ni Knicks forward OG Anunoby na si Brunson ang magiging susi sa kanilang panalo sa Spurs
“He uses a lot of counters,” ani Anunoby kay Brunson. “He’s relentless. Doesn’t matter if he is missing shots or making shots, he’s always the same way, always composed and poised and always aggressive.”
Kumpiyansa naman si Victor Wembanyama na makakabangon ang Spurs mula sa dalawang sunod na kabiguan sa Knicks.
“I think the key is acceptance a lot of times, taking a step back, realizing all the journey that’s behind this and what’s ahead of this,” ani Wembanyama.
Nakagawa ang 22-anyos na French center ng krusyal na turnover na nagresulta sa free throw ni Brunson sa huling 9.5 segundo.
- Latest




















